Kalabasa, saluyot, pamalit sa canton?

dialog.gif (3207 bytes)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1.  Anu-ano ang mga sangkap ng Pansit Kanton?
2.  Saan gawa ang Pansit kanton?
3.  Gusto mo ba ang Pansit Kanton?
4.  Nakatikim ka na ba ng kalabasa at saluyot?

sotanghon.jpg (32801 bytes)

vocabulary.gif (2771 bytes)

 

Kalabasa, saluyot, pamalit sa canton?

Sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, hirap na si Nanay kung paano hahatiin ang kinikita ni Tatay. Dahil bukod sa problemang ito ay marami pang bagay na pinaglalaanan si Nanay ng perang kanyang nakukuha tuwing kinsenas. Kaya naman ang Cleafar Agribusiness ay naglabas ng produkto na makatutulong kahit paano kay Nanay. Ito ay ang kalabasa at saluyot bilang masustansiyang pansit canton.

Ano? Pansit canton na gawa sa kalabasa at saluyot? Meron ba n'un? At ano naman ang meron sa cantong ito kumpara sa mga pansit canton na nakikita natin sa mga tindahan?

Ang kalabasa at saluyot Montecatos (hango sa Kastilang salita para sa noodles) ay produkto ng mag-asawang Rafael at Caridad Pama. Nagmula ang ideyang ito sa tulong ng isang kaibigan.

Ayon kay Caridad, napagtanto niya na bakit kaya hindi niya subukan ang gumawa ng produktong mula sa kalabasa at saluyot. "Na kung kumpara sa ibang canton sa merkado, ang cantong ito ay natural, walang halong colorings at walang additives," dagdag niya.

Nagsimula ang paggawa ng nasabing canton nang mapag-alaman mula sa isang pag-aaral na ang mga canton na nasa merkado ay walang sustansiyang maaasahan. Dahil dito, sa tulong ng isang chemist mula sa Department of Science and Technology, ipinagpatuloy ang paggawa ng nasabing produkto.

Nang ang lahat ng kinakailangang bagay ay naisaayos na, nagsimula ng gumawa ng produkto noong 1999 sa planta na nakabase sa Zarraga, Iloilo City. Ngayon ay nakakagawa na sila ng 450 na pakete ng canton na gawa sa kalabasa araw-araw na may halagang 12.50 at nagkakahalaga ng P 10.50 (sa wholesale) sa lokal na pamilihan.

Samantala, lumabas sa pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute na ang isang plato ng 50 grams ng naturang produkto ay nagbibigay ng 1/3 na recommended daily allowance (RDA) para sa bitamina A. Idinagdag nito na ang tamang pagkakaluto nito ay nagpapadali upang madaling matanggap ng katawan ang nutrisyong galing dito.

Ang produktong ito ay nabibili na rin sa ibang bansa. Sa katunayan, umabot na ito sa Holland, sa US at maging sa Switzerland. "Ang mga turista nga ay pumupunta rito upang bumili ng aming produkto," banggit ni Bb. Pama.

Ayon pa sa kanya, magpapatuloy pa sila sa paggawa ng mga produktong ito para naman matangkilik na ito sa buong bansa.

Ang galing talaga ng Pinoy! Nawa'y ipagpatuloy pa ng Cleafar Agribusiness ang paggawa ng de-kalidad na produktong ito nang sa gayon ay nakatulong sila sa pagbu-budget ni Nanay, nakatutulong pa sila sa pagpapanatili ng kalusugan ng mamamayan.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

grammarNote.gif (2771 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)