Kakatwang pamahiin sa Pasko

dialog.gif (3207 bytes)

pasko-caroling.jpg (9401 bytes)

vocabulary.gif (2771 bytes)

Use the on-line dictionary for vocabulary words. 

Kakatwang pamahiin sa Pasko

real.gif (626 bytes)

Kahit na bagong milenyo na, marami pa ring naniniwala sa mga pamahiin. At maging ang panahon ng Kapaskuhan ay hindi nakaliligtas sa mga superstitious beliefs na ito.

Kunsabagay, kung wala namang masama at masasaktan ay hindi masama kung ikukonsidera natin ang ilan sa mga pamahiing ito.

Narito ang ilan na kinikilala sa iba't ibang bahagi ng mundo.

  1. Upang magkaroon ng magandang kalusugan buong taon, kumain daw ng mansanas sa bisperas ng Pasko.
  2. Kumain ng plum pudding sa Pasko upang maiwasan ang mawalan ng kaibigan sa susunod na Pasko.
  3. Ang batang pinanganak sa araw ng Pasko ay magkakaroon ng magandang kapalaran.
  4. Malas daw ang pagsusuot ng bagong sapatos sa araw ng Pasko.
  5. Sa Ireland, naniniwala sila na ang pinto sa langit ay nakabukas sa bisperas. Kaya't ang mamatay sa araw na ito ay diretso sa langit.
  6. Kung kakain ng hilaw na itlog sa umaga ng Pasko, mamalasin.
  7. Ilagay ang mga sapatos nang tabi-tabi sa Pasko upang maiwasan ang pag-aaway sa pamilya.
  8. Kapag maraming bituin sa bisperas ng Pasko, magiging maganda ang ani.
  9. Kung mahangin sa Pasko, ito ay suwerte.
  10. Sa Greece, naniniwala sila na ang pagsunog ng lumang sapatos sa Pasko ay makaiiwas sa kamalasan buong taon.
  11. Sa Sweden, pinaniniwalaan na sa buong araw ng Pasko ang mga masamang duwende ay umaaligid.
  12. Sa England, kapag ang babae ay kumatok sa pinto ng henhouse o pugad ng mga manok, ikakasal siya bago matapos ang taon.
  13. Sumigaw ng "Christmas Gift' sa unang tao na kakatok sa inyong pinto. Ito raw ay suwerte.
  14. Ang mga ninong at ninang daw na malaking magregalo sa mga inaanak ay magkakaroon ng maraming biyaya. Ang mga nagtitipid naman ay hindi gaanong pagpapalain.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)