Indigestion, paano maiiwasan?

dialog.gif (3207 bytes)

Kindigestion.gif (9253 bytes)

vocabulary.gif (2771 bytes)

Use the on-line dictionary for vocabulary words. 

 

Indigestion, paano maiiwasan?

ni Arlyn Floro

real.gif (626 bytes)

Ang indigestion ay ang hindi pagkatunaw ng pagkain sa inyong tiyan. Dulot ito ng sobrang dami ng inyong nakain at hindi nakayanan pang tunawin kaya nakakaramdam ng pananakit ng sikmura. Narito ang ilang solusyon kung sakaling makaramdam ka ng pananakit ng tiyan.

Sa sandaling makaramdam ka nito, huwag ka munang kumain ng mga limang oras. Sabayan mo ito ng pag-inom ng maraming tubig. Makatutulong ang pag-inom ng maligamgam na tubig kada isang oras.

Papaya
Ayon sa mga nakatatanda, ang pagkain ng papaya ay mabisa dahil matapos mo itong makain ay agad kang dudumi

. Kung madalas kang makaramdam ng ganito, ugaliing kumain ng papaya. Gawin itong dessert matapos kumain.

Mga dahon
Ang dahon ng anonas ay mabisa ring paraan. Sa pamamagitan ng pagpapainit sa apoy ng dahon at saka pagtatapal nito sa iyong tiyan, maiibsan ang pananakit nito.

Maging ang dahon ng kamatsili ay nakatutulong din. Pakuluan ang isang dahon nito sa lima hanggang anim na basong tubig sa loob ng 10 minuto at samahan ng kalahating kutsaritang asin. Saka ito inumin. Para sa mga matatanda, dalawang tasa sa unang inom at matapos ang apat na oras ay isang baso na ang inyong inumin.

Kapag naman bata, isang tasa bilang pauna at kalahating tasa kada apat na oras o higit pa. At para sa sanggol ay isang kutsarang pinakuluang dahon at isang kutsarita matapos ang apat na oras.

Tamang pagkain lamang
Ipinayo ng mga doktor na ang pinakamabisang paraan pa rin ay ang pagkain lamang ng kaya ng iyong tiyan nang sa gayo'y hindi mahirap matunawan.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)