ni Luis Marasigan
Part I
Nagdala ng isang bagong impluwensiya sa pamumuhay ng mga
Pilipino ang pagdating ng mga Kastila noong ika-16 na siglo. Ang karamihan sa mga Pilipino
ay naging mga Katolikong Romano. Lumaganap ang mga ideyang kultural na galing sa Europa at
ang mga Pilipino ay ibinagay at iniugma ang mga ito upang matugunan ang mga lokal na
kondisyon.
Isa sa malaking pamana sa bansa ay ang mga sayaw.
Naabot ng mga sayaw na ito ang kaitaasan ng katanyagan, lalo na para sa mga Pilipinong
mahilig makipagtagisan ng talento at kakayahan.
Grupo ng Maria Clara

Ganito tinawag ang sayaw na ito sa karangalan ng
maalamat na Maria Clara. Nananatili kasing isang sagisag ng mga birtud at kadakilaan ng
mga Pilipina si Maria Clara. Nakikita sa mga sayaw na ito ang napakalakas na impluwensiya
ng Kastila, ngunit gayon pa man, ay naging Pilipino ito dahil sa kapansin-pansing paggamit
ng mga kastanyetas na yari sa kawayan at ng abanico, o pamaypay ng Asya. Karaniwang
kasuotan sa mga sayaw na ito ang pormal na damit na Maria Clara at ang Barong Tagalog,
isang kamisadentrong burdado na may mahabang manggas at yari sa himaymay na pinya.
Part
II
Alcamfor (ahl-kahm-fohr)
Mula sa Leyte ang sayaw na ito ng magkatambal na
pinangungunahan ng babaeng may hawak na panyo. Pinabango ito ng langis ng camphor, isang
esensiya na ipinalalagay na nakakaakit sa pag-ibig.
Andaluz (ahn-dah-loohs)
Kilala ang sayaw na ito bilang Paseo de Iloilo,
dahil sa lalawigang pinanggalingan. Ito ang isa sa pinakamahirap na sayaw na panliligaw at
kakirihan ng panahon noong panahon ng Kastila. Naglalabanan ang mga maginoo upang makamit
ang puso ng dalaga, sa pamamagitan ng pagpapakita ng halimbawa ng katapangan, magandang
bikas at pagtitiwala sa sarili.
Aray (ah-rahy)
Isang sayaw na ang mga salita ay kinakanta sa "Chabacano-ermitense," isang wika
na may halong Kastila na ginamit lamang sa purok ng Ermita bago sumapit ang siglo ngunit
ngayo'y hindi na ginagamit. Ang sayaw mismo ay makiri na nangangailangan ng may magandang
kilos na paggamit ng panuelo, o balabal, at mga tamburin. Aray ay ang salitang binibigkas
kapag ang isang tao'y nasaktan.
Part
III
Balse (bahl-seh)

Ang salitang Balse ay kinuha mula sa salitang Kastilang "valse" (waltz). Ang
sayaw na ito'y naging sikat sa Marikina sa lalawigan ng Rizal noong panahon ng mga
Kastila. Ang Balse ay sinasayaw pagkatapos ang lutrina (isang prusisyong pangrelihiyon),
at ang musikang sumasaliw sa mga mananayaw ay tunutugtog ng musikong bungbong (mga
musikerong gumagamit ng mga instrumentong yari sa kawayan).
Cariņosa (kah-reehn-yoh-sah)
Ang makiring sayaw na ito'y kilala sa buong Pilipinas. Ang ibig sabihin ng salitang
cariņosa ay masintahin, mapagmahal o magiliw. Ang mga mananayaw, may isang pamaypay o
isang panyo, ay magsisimulang kumilos na animo'y nagtataguan at iba pang makikiring kilos
na nagpapahayag ng mapagmahal na mga damdamin sa isa't isa. Maraming bersiyon ang sayaw na
ito, subalit ang mga galaw ng taguan ay para sa lahat ng sayaw. |