Herbal na Gawa sa Kusina


dialog.gif (3207 bytes)

Ginger rhizome Nakagagamot ang luya sa sakit ng ulo, hilo, at "morning sickness" ng mga buntis na babae.  Nakagagamot din ito ng "acute bacillery dysentery" at iba pang pamamaga.
Garlic Bulb Mabisa ang bawang sa paglaban ng mga "bacteria" na nagbibigay ng mga nakamamatay na sakit. Nakabababa rin ito ng "cholesterol," mabisa rin ito laban sa "blood clots" at maaaring makatulong sa paglaban ng sakit na diabetes at kanser.

Anu-ano pa ang mga iba't-ibang mga halamang gamot na alam mo?

Gumawa ng listahan ng mga ito.

vocabulary.gif (2771 bytes)

Glossary
(Click on the link above and a separate window will appear
listing all the highlighted Tagalog words in glossary format.)

Use the on-line dictionary for difficult vocabulary words. 

Herbal na gawa sa kusina

ni Arlyn Floro

real.gif (626 bytes)

Maraming karamdaman ang malulunasan sa pamamagitan ng mga gamot na herbal. Ito ay yaong mga maaaring gawin sa bawat tahanan. Mura na ay mabisa pa.

Ang buhok ng mais ay maaaring pakuluan at gawing tsaa. Gamot ito para sa mga binabalisawsaw.

Ang bawang na dinikdik ay mabisang itapal sa pigsa. Ang katas nito ay mabuting pampurga at maaaring itapal kung nirarayuma. Ang pagkain ng bawang ay nakakapagpababa rin ng kolesterol.

Ang ojas de lantin naman ay epektibong gamot sa sakit ng ngipin. Samantala, ang pinaglagaan ng tsaang gubat ay mabisa para sa mga nagtatae, inuubo o sa may mga sakit na sipilis.

Kapag pinulbos naman ang bulaklak ng lagundi, makabubuti ito sa mga dumudura ng dugo. Ang prutas nito ay lunas sa sakit ng ulo at ubo. Pinanglalanggas din ang dahon nito sa sugat.

Nakabubuti naman para sa sakit ng ulo, tainga at rayuma ang langis ng pandan. Nakatutulong din ito para sa maayos na pagdaloy ng dugo sa katawan.

Ang pagkain naman ng guyabano ay mainam na panlinis ng dugo. Samantala, mainam ang pulot-pukyutan sa pagpatay ng mga mikrobyo sa katawan. Nakagagamot din ito ng sakit ng ulo at nerbiyos.

Para naman sa mga hindi makatulog, ang dahon ng ikmo ay nakagagamot ng insomia.

Ang luya, kalamansi, sampalok, gumamela, sambong, oregano, kampanitulot, damong-maria at alagaw ay mabisang gamot para sa ubo, sipon at lagnat.

Kailangan lamang na pakuluan ang mga ito at saka inumin.

Ang ipil-ipil naman ay mabisang pampurga laban sa mga bulate at ang kabuyaw ay mainam sa mga taong mahiluhin. Samantala, mabisa ang buto ng kakaw sa eksema.

Mabisa naman sa sakit sa bato, diabetis, sakit sa pantog, at maging sa alta presyon ang banaba. Mabisa rin ang kalachuchi bilang panlaban sa ubo, sakit sa balat at tumor.

Ang kampanilya ay nagsisilbing gamot sa pagkalason; ang kandilidilian, sa ulcer at ang kasoy ay mabisa sa sobrang sakit ng ngipin at impeksiyon sa gilagid. Ang pinakuluang dahon ng bayabas naman ay mabisa na panghugas sa kapapanganak pa lamang, skin alergy, sakit ng ngipin, pagtatae, panlanggas sa sugat, hilo, eksema, rayuma, pamamaga ng buto, sakit sa sikmura at pamamaga ng gilagid.

cultureNote.gif (2508 bytes)

This space shows a quiz in java-enabled browsers.

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)

Writing in the Target Language:  Gather information about the following herbal plants.  Write their uses. Visit this herbal site for additional information.

Bayabas.jpg (22949 bytes)
Bayabas

Damongmaria.jpg (19933 bytes)

Damong Maria

Dalanghita.jpg (11399 bytes)
Dalanghita

Kamote.jpg (11056 bytes)
Kamote