Halamang Gamot, Sariling Atin



Use the on-line dictionary for vocabulary words.
Halamang gamot, sariling atin |
Ni Arlyn Floro ISA ka ba sa mga taong bukang-bibig ang "Uminom ka ng gamot?" O di naman kaya ay konting sakit lang na maramdaman ay pupunta na ng hospital? Mahalaga na mabatid natin ang simpleng paggamit ng mga halamang gamot. Ampalaya
Samantala, isang kutsarita naman ng pinaglagaan ay mainam para sa mga sanggol para hindi sila maging sakitin. Part IIIto ay pangkaraniwang klase ng damo. Ang pinaglagaan nito ay gamot sa mga hirap sa kanilang pag-ihi. Kailangan lamang pitpitin ang dahon at mabuti na itong pantapal sa mga maga sa katawan. KatandaAng katas nito ay mabisa sa eksema, buni at lahat ng klase ng kagat ng mga insekto. Samantala, ang pinaglagaan ng dahon at bulaklak nito ay mabuting pang-alis din ng plema. Talampunay
Mabisa ang tuyong dahon nito sa pagpapabuti ng mga may sakit na asthma. Mabuti din ito para sa mga maga sa katawan. Kailangang dikdikin lamang ang sariwang dahon nito. Kung pakukuluan ang dahon, mabuti ito para sa mga sakit sa tainga. Part IIINakabubuti ito para sa mas malimit na pagdumi at sa paglinis ng dinadaanan ng ihi. Soro-soroMagandang lunas ito para sa mga may luga sa tainga. Hugasan ang murang dahon, patuyuin, basain ng langis, painitan sa apoy, dikdikin hanggang malanta, katasin at patuluin sa tainga. Ojas de lantinMabisang gamot ito sa sakit ng ngipin. Part IVIto ay ginagamit sa paglalabatiba. Gumamela
Gamot ang bulaklak nito sa may mga pigsa. Kailangang dikdikin ang buko ng bulaklak at samahan ng konting asin at saka itapal sa pigsa. Ang katas nito ay mabuti rin gawing gugo. Sitsirika
Mabisa ito bilang natural na gamot sa diabetes. Ang pinaglagaan nito ay gamot din sa sakit sa ngipin, at ganoon din sa kanser. Caimito
Gamot din ito sa diabetes. Nakapagpapaalis din ito ng mga bulate. Nakabubuti ang pinaglagaan nito sa tiyan at baga. Ang katas nito ay mabuti rin sa paghilom ng sugat. |



Bisitahin ang "herbal site" na ito at gumawa ng isang munting aklat tungkol sa mga na halamang gamot.