anabnr2.gif (15838 bytes)

Sa Dyip

real.gif (626 bytes)

Pasahero1:  Mama, eto ho ang bayad ko. Pakiabot nga ho.

Pasahero2:  Ale, ang bag mo.  May laslas!  

Pasahero1:  Ha, nasaan? Nakuha ang wallet ko. Nandoon pa naman ang pambayad ko sa koryente. Bago pa naman ang bag ko. Nakita mo ba kung sino?

Pasahero2:  'yung katabi mo kanina parang duda ako sa kilos.  'yung mama na bumaba sa huling kanto. 

Pasahero1:  Pangalawang beses ko nang manakawan sa loob ng dyip. 

Pasahero2:  Ako naman na-snatch ang kuwintas ko noong isang buwan.  Parang dumadami yata ang gumagawa nang ganyang krimen ngayon.

Pasahero1:  Oo nga nagkalat ang mga masasamang elemento ng ating lipunan.  Ano ba ang ginagawa ng mga Pulis?

Pasehero2:  E, 'yung isang pulis nga sa Quiapo nahold-up ang baril niya.  Mas takot nga sila sa dilim kaysa sa atin.