Natutulog ba ang Diyos
Gary Valenciano


Bakit kaya, bakit ka ba naghihintay?
Na himukin pa, pilitin pa ng tadhana
Alam mo na kung bakit nagkakaganyan
Lumulutang, nasasayang ang buhay mo
At ang ibinubulong ng 'yong puso
Natutulog pa ang Diyos, natutulog ba?

Pag ikaw ay kaagad sumusuko
Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit ganyan, nasaan ang iyong tapang?
Naduduwag, nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog pa
Natutulog pa ang Diyos, natutulog ba?

Sikapin mo, pilitin mong tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog sa 'yong bukas
Huwag mo sanang akalain
Natutulog pa ang Diyos
Ang buhay mo ay mayro'ng halaga sa kanya

Dapat pa ba na ikaw ay maghintay?
At himukin pa, pilitin pa ng tadhana
Gawin mo na kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala sa Maykapal
Nakahanda ang Diyos na umalalay sa 'yo
Hinihintay ka lang, kaibigan

Sikapin mo, pilitin mong tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog sa 'yong bukas
Huwag mo sanang akalain
Natutulog pa ang Diyos
Ang buhay mo ay mayro'ng halaga sa kanya