PAHAYAG PASTORAL UKOL SA PULITIKA NG PILIPINAS

May sinabi ang Papa Juan Pablo II ukol sa bagong bukal ng buhay Kristiyano na mangyayari sa ikatlong milenyo kung magiging bukas sa galaw ng Espiritu Santo tayong mga Kristiyano (TMA, blg. 18). Sa pagsasapantaha sa ika-2000 taong pagdiriwang sa kaarawan ng Panginoon – ang Dakilang Hubilya – nanawagan siya tungo sa pagbabalik-loob, sa pagpapanibago sa pamamagitan ng Ebanghelyo, para sa ating lahat. Pinapanalangin niya na ang masaganang biyaya ng Panginoon ang pupuno sa buong mundo, sa pagdating ng Dakilang Hubilya, at hinihingi niyang maghanda tayo para sa ating inaasahang pagbubuhos ng kanyang nakakaligtas na pagmamahal.

Upang tulungan tayo sa ating landas ng pagbabalik-loob at pagbabago, nagpasyang magpalabas sa bawat taon, mula sa taong ito,ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng isang espesyal at buong pahayag pastoral na tinatalakay ang isang bahagi ng buhay Pilipino na ayon sa pananaw ng CBCP ay nangangailangan ng pagbabago at pagpapanibagong-buhay ayon sa Ebanghelyo.Mula pa noong 1945, nang nagsimulang maging isang Conference ang CBCP mismo, ukol sa mga isyung pulitikal ang humigit sa kalahati ng liham at pahayag pastoral nito (tingnan PL). Noong 1991, naglaan ng mahabang panahon at malaking puwang ang Ikalawang Konsilyo Plenaryo ng Pilipinas (PCP-II) sa huling dokumento nito tungkol sa pagtalakay sa papel ng Simbahan sa larangang pulitikal (tingnan PCP-II, tal. 330-353). Bakit naging isang kakaiba’t mabungang pagkilos ng Simbahan ang harapin ang paksa ng pulitika mula sa katapusan ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan at lalo na mula sa mga taon ng Batas Militar at ang pagpapanumbalik ng demokrasya noong 1986?

 

Mayroong isang mahalagang dahilan: ang Pulitika sa Pilipinas – isang naging masidhi para sa atin bilang mga tao ang pamamaraan ng pagsasabuhay nito. Ito marahil ang pinakamabigat na pagdurusa sa ating buhay bilang isang bansa at pinakamapanirang balakid sa ating pagkamit ng buong makataong paglago.

Bakit ganito ba ito?

A. Ang Larawang Pulitikal

Ang pulitika ay – o dapat naman talagang maging – isang sining ng pamamahala at paglilingkod-bayan. Ngunit nakakalungkot, sa Pilipinas, nauwi ito sa isang larangan na ipinapataw laban sa mas nakakaraming mahihina at maralita ang mga interes ng iilang makapangyarihan at mayayaman. Nakakaapekto ito sa pagpapatupad ng katarungan at pantay-pantay na pagpapatupad ng batas, na mas nakakiling bilang isang pinakamaliwanag na katotohanan sa panig ng mga may pulitikal na impluwensiya at koneksyon. Binabayaran ang mga utang pulitikal sa pamamagitan ng paglagay ng mga taong kanilang pinagkakautangan sa matataas na posisyon sa gobyerno ng mismong nahalal na mga opisyal, isang bulag na katapatan ang naitatala bilang isang pinakamahalagang batayan ng pagpili ng mga pampublikong opisyal – kahit na may kasarinlan ayon sa Saligang Batas ang mga ahensiyang pampamahalaan. Tigib ang ating pamahalaan ng mga taong may kapit sa mga maykapangyarihan, mga taong walang ginawa kundi kumuha ng kanilang mga sahod sa kalagitnaan at katapusan ng bawat buwan. Kaya nga maagang nawawalan ng gana at nanahimik na lang ang mga matapat sa mga karapat-dapat na magtalaga ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan, o kaya, umaalis na lang nang tuluyan. At lagi namang tinatakot , o kaya, kinain na lamang ng mismong sistema ang mga nagpasyang manatili kahit sa gitna ng pagkalito.

 

B. Ang Ating Kultura sa Pulitika

Magsimula tayo sa isang tipikal na konsepto ng pulitiko sa pampublikong opisina. At, kung matapat tayo sa ating mga sarili, kahit pinag-uusapan natin dito ang "isang tipikal na pulitiko," dapat nating tanungin nang makatwiran ang ating mga sarili kung maaaring kahawig rin ng sa atin ang mga ideya at pagpapahalaga, mga motibo at gawain, na ating iniuugnay sa kanya.

 

 

K. Ang Tanda ng Pag-Asa.

Sa kabila ng hindi-mapagpuring paglalarawan at hindi maipagkakailang napaka-maitim ng mga sinusundang mga pahayag ng dominanteng katangian ng ating pulitika, mayroon pa ring maliliwanag na mga sandali sa ating buhay-pulitika na nagbibigay sa atin ng dahilan upang umasa--at motibasyon upang lalong higit na magsikap nang nagkakaisa--para sa pagpapanibago ng ating buhay bilang mga Kristiyano at mga Pilipino tungo sa paglikha ng isang bagong kalagayan ng pulitika.

 

D. Panawagan ng Diyos sa Misyon sa Pulitika

Hindi mapapayagan ng sinumang seryosong naniniwala sa Diyos na nagpapatuloy ang kalagayan ng ating pambansang pulitika na binabanggit natin sa itaas. At sa katotohanan, mayroong tungkulin ang Kristiyanong Katoliko para sa pagpapanibagong-anyo ng pulitika ayon sa Ebanghelyo. Dapat mangaral o baguhin ng Simbahan, ng sambayanan ng Diyos, ang pulitika,. Panawagan ng Diyos sa Simbahan ang mangaral ng integral na Ebanghelyo, ang Ebanghelyong sa lahat ng panlipunang dimensiyon nito. Dapat na makaimpluwensiya ang Ebanghelyo sa bawat yugto ng buhay, sa bawat bahagi ng lipunan, at upang "maibalik ang lahat ng bagay sa kay Hesus" (Eph. 1:10).

 

E. Ang Batayan ng Misyon ng Simbahan sa Pulitika

May Relihiyoso at Moral na Bahagi ang Pulitika. Magsisimula tayo sa pangkalahatang prinsipyong ito. Dapat na nalalaman ng bawat mulat na katoliko ang simpleng bagay na ito na hindi mababaliktad na katotohanan: May kinalaman sa mga relihiyoso at moral na bahagi ng buhay ang ating pananampalatayang Katoliko. May relihiyoso at moral na bahagi ang bawat gawain ng tao na nagmumula sa normal na proseso ng pag-iisip at kapasyahan, sapagkat maaaring magdala ito sa kabiyayaan o sa kasalanan. O, tulad ng binabanggit natin sa simula, maaaring makasakit ito o makapagbigay ng benepisyo sa ibang tao, maaaring hubugin o wasakin sila. Bilang isang gawaing pantao, may relihiyoso at moral na dimensyon ang pulitika na hindi basta maitatatwa ng ating pananampalatayang Katoliko.

Para sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines:

Lgd.) +OSCAR V. CRUZ, D.D.

Presidente

16 Setyembre 1997

http://members.tripod.com/~chapelnet/cbcp.html