Kapistahan

real.gif (626 bytes)

Rina: Kaibigan, pista sa amin sa Linggo.  Makakapunta ba kayo?
Mel: Wala pa naman kaming plano.   Anu-ano ba ang ang makikita kapag Pista sa inyo?
Rina: Marami.  Finalist ako sa Amateur Singing Contest sa bispiras ng pista.  Kailangan ko ng tagapalakpak. Kaya dapat dumating kayo.
Mel: Talaga.  Maliban sa kantahan, ano pa? Naghahanda ba kayo?
Rina: Oo.  Naglelechon kami.   Maraming pansit, minatamis, atsara, at marami pang iba.  Marami ding tiangge sa plaza. Meron ding perya at mga laro.  Sa gabi naman, may beauty at singing contest. 
Mel: Hmmm...Matagal na akong hindi nakatikim ng lechon.  Kung papalakpakan ka namin sa contest, papakainin mo ba kami ng lechon?
Rina: Siyempre naman.  Pumunta kayo sa bahay pagkatapos ng misa.
Mel: O sige, isasama ko ang buong pamilya.