anabnr2.gif (9492 bytes)

SALAWIKAIN
by: Danny Javier

Click this link SONG to listen to other songs.
I
Kapag ang buhay mo'y malungkot
Huwag kang sisimangot
Kapag bulsa'y walang pera
Daanin sa tawa
Wala nang pera
Sisimangot ka pa
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la

II
Kapag ikaw takot sa multo
Dala ka ng aso
Kapag ikaw takot sa daga
Dala ka ng pusa
Magsasawa ka sa kuting at tuta
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la

III
Salawikaing ito ay bago
Pampalipas oras lamang lahat
Biru-biruan lamang na payo
Kami'y nanunuya, natutuwa
Natatawa lang sa mundo oh...

IV
Kapag ikaw naiinitan
Dala ka ng payong
Sa pagdating naman ng ulan
Payong mo ang baon
Huwag lang kakainin ang baon na payong
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la

V
Kapag lalaki may bigote
Maraming babae
Kapag babae may bigote
Ito ay lalaki
Kwidaw sa syota na mayroong bigote
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la

VI
Kapag pinanganak kang pangit
Huwag ka nang masungit
Pakag ika'y laging masungit
Lalo kang papangit
Hindi bagay magmasungit ang pangit
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la