anabnr2.gif (15838 bytes)

PUMAPATAK ANG ULAN
by: Danny Javier

I
Pumapatak na naman ang ulan
Sa bubong ng bahay
Di maiwasang gumawa
Ng di inaasahang bagay
Laklak ng laklak ng beer
magdamagan
May kahirapan at di maiwasan
Mabuti pa kayang matulog
Ka na lang at baka sumakit ang tiyan

II
Ang araw ko'y nabubusisi
Ako ang nasisisi
Bakit ba sila ganyan
Ang pera ko ay di magkasya
Hindi makapagsine at
Ayaw namang dagdagan
Ubos na rin ang beer
Kaya kape na lang
Lahat sinusubukan
Kahit walang pulutan
ang buhay ng tamad
Walang hinaharap ni konting
Sarap man lamang

III
Radio, TV, at mga lumang komiks
Wala ng ibang mapaglibangan
At kung meron kang tatawagan
Trenta sentimos ika'y makakaltasan
Ahhh....