anabnr2.gif (15838 bytes)

Scanning:  When we need to read something to find certain information, we move our eyes very quickly across the text.  When we scan like this, we do not read every word, or stop when we see a word we do not know; we read quickly, and stop only to find the information we are looking for.

Gawin ang mga sumusunod:

a. Basahin ng mabilis (scan) ang balita at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

This space shows a quiz in java-enabled browsers.

 

 

b.  Read through the passage again and answer the questions that follow:

Bagyong Hambalos Nagbabanta
Source:  Philstar
Publish Date: [Tuesday, July 09, 2002]

flood.jpg (60300 bytes)
Source:  Philippine Daily Inquirer

Hindi pa man humuhupa ang matinding buhos ng ulan
at baha dulot ng monsoon rains o habagat na dala ng
bagyong Gloria, pinangangambahang mas matinding
hagupit naman ang dalhing epekto sa bansa ng
bagyong Hambalos na nagbabantang pumasok sa
teritoryo ng Pilipinas.

Patuloy na nakaantabay ang Philippine Atmospheric
Geophysical and Astronomical Services Administration
(PAGASA) sa ikinikilos ni Hambalos sa kasalukuyan
bagamat ito ay namataan sa 440 kilometro ng kanluran
ng Basco, Batanes taglay ang hanging 55 kilometro
bawat oras.

Kahapon ng alas-12:30 ng tanghali, ang bagyong si
Gloria ay namataan ng PAGASA sa layong 180
kilometro silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes
na may taglay na hanging 180 kilometro bawat oras
malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 215
kilometro bawat oras,

Ngayong umaga, si Gloria ay inaasahang nasa 1,090
kilometro ng silangan hilagang silangan ng Basco,
Batanes.

Sa paglisan ng bagyong Gloria, higit na pag-iibayuhin
nito at ni Hambalos ang habagat na magdudulot ng
patuloy na pag-ulan laluna sa western section ng Luzon
partikular sa Ilocos Region, Cordillera at lahar affected
areas sa Central Luzon at western section ng Visayas.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nasa
baybayin ng dagat at ilog na pansamantalang lumipat sa
mas mataas na lugar upang hindi maapektuhan ng
malalaking alon at matinding pagbaha dulot ng naturang
bagyo.

Death toll sa baha umabot na sa 18

Umakyat na sa 18 katao ang iniulat na nasawi sa
patuloy na pagbagsak ng ulan sa buong bansa dulot ng
monsoon rains habang higit sa 28,972 pamilya o
135,604 katao ang dinala sa iba’t ibang evacuation
area sa bansa dahil sa matinding pagbaha, base sa
pinakahuling ulat ng National Disaster Coordinating
Council (NDCC).

Ang National Capital Region (NCR) at Regions III at
IV ang labis na naapektuhan ng ilang araw na pag-ulan.


Nadagdag sa listahan ng mga nasawi dakong alas-9 ng
umaga kahapon ang magkapatid na sina Arlene, 11 at
Josua Digo, 8, na biktima ng landslide sa may Divine
Mercy, Bgy. Guitnang Bayan, San Mateo, Rizal; Felix
Tayag Jr. na nasawi sa aksidente sa Halsema highway,
Cabonga Tublay, Benguet; Arturo Defensor, 56, ng
Suage River, Janiuay, Iloilo City; Alvin Bautista, 40, ng
Brgy. Latag, Nasugbu, Batangas at tatlong hindi pa
nakikilalang lalaki na kapwa nalunod sa Malabon at
Hermosa, Bataan.

Dagdag ang mga ito sa tatlong Korean national na
nalunod sa Batangas, apat sa landslide sa Tuy,
Batangas; isang natabunan ng basura sa Olongapo at
dalawang nalunod sa Malabon at Cotabato City.

Umakyat naman sa 29 katao ang malubhang nasugatan
kasama na ang 23 Koreano na lulan ng tumaob na
motor banca kamakalawa sa may Gamao Point,
Batangas kung saan hinahanap pa rin ang 2 nawawala.

Apektado naman ang mahigit 2,117 pamilya o 10,495
katao na pansamantalang inilikas sa may 38 evacuation
centers sa Maynila, San Juan, Quezon City at Marikina
City matapos umabot sa kritikal na level ang
tubig-baha sa mga nasabing lugar.

Pansamantala namang isinara sa motorista ang Kennon
Road sa Baguio City bunsod ng landslide incidents
dahil sa walang humpay na pag-ulan.

Samantala, pormal ng sinampahan kahapon ng
Philippine Coast Guard ng kasong kriminal ang may-ari
ng motor boat na naglayag sa kabila ng abiso ng PCG
na bawal bumiyahe ang maliliit na sasakyang pandagat
dahil sa sama ng panahon.

Sinabi ni PCG Vice Admiral Reuben Lista, sinampahan
na nila ng kasong serious negligence resulting to
multiple homicide sa Marine Board of Inquiry ang
may-ari ng M/B April Boy na si Ricarte Garcia dahil
pinayagan nitong maglayag sa karagatan ng Batangas
ang kanyang bangka na ikinasawi ng tatlo sa 23
Koreano.
P300-M quick fund

Naglaan na nang P300 milyon ang pamahalaan bilang
quick response fund na magagamit sa panahon ng
kalamidad tulad ng dinaranas ngayong baha at ulan.

Sinabi ni Budget Secretary Emilia Boncodin na
ipinalabas ng Malacaņang ang naturang pondo para
magastos sa pagpapakumpuni ng mga nasirang
proyektong infrastructure dahil sa epekto ng baha
bunsod ng patuloy na pag-ulan nitong nakarang tatlong
araw.

Ang P300 milyon ay bukod pa sa calamity fund ng
Pangulo.

Sa alokasyong P300 milyon, P100M ay para sa
DSWD, P80M sa DPWH, P60M sa Office of Civil
Defense at P60M sa National Defense.