Pamilyang Pilipino

real.gif (626 bytes)

May kumakatok sa pinto.

Lola: Sandali lang. Sino sila?
Nanay: Kami po 'nay,  kasama ko ang mga apo ninyo. Sina Oscar at Christine.
Lola: O, Pasok kayo. Kamusta na kayong lahat. Naku! Ang lalaki na ang mga apo ko!
Nanay: Okey lang po kami. Mano po.
Lola: Kaawaan kayo ng Diyos.
Nanay: "nay, nagpapahinga po ba si Tatay?
Lola: Hindi, nasa kusina, nagluluto ng sinigang na manok.  Maupo kayo. Mabuti naman bumisita kayo.
Nanay:  Makakalimutan ho ba namin ang inyong anibersaryo.  Maligayang bati ho sa inyong dalawa.