anabnr2.gif (15838 bytes)

Basahin ang sanaynay tungkol sa Pamilyang Pilipino. 
Gamitin ang flashcard sa kanan  para sa mahihirap na salita sa sanaysay.   Kung gusto mong pakinggan ang sanaysay, i-klik ang audio.
Pagkatapos basahin ang buong sanaysay, gawin ang email sa ibaba.

Talasalitaan

Sanaysay

Pagsusulit

Mga Iba Pang Gawain

anarule.gif (1534 bytes)

Talasalitaan

Use the on-line dictionary for difficult vocabulary words.  Click on the audio to listen to the text.

top

anarule.gif (1534 bytes)

Sanaysay

Ang Pamilya


real.gif (626 bytes)

Una sa lahat, ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya.  Kahit siya ay doktor, manunulat, siyentipiko, o ano pa man, nananatili siyang ama o anak, pamangkin o apo, sa loob ng kanyang pamilya.  Dito ay iba ang kanyang katungkulan at ang pagkakakilala sa kanya.  Sa lahat ng oras ay pangunahin sa kanya ang kanyang tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya.

Ang pinakaubod ng pamilyang Pilipino ay ang ama, ina at mga anak. Ang ama ang pinakapuno ng pamilya.  Siya ang nasusunod wpe33.jpg (58624 bytes) at nagpapasya para sa pamilya.  Sa kabilang dako ay tungkulin niyang pakainin, bigyan ng matitirhan at papag-aralin ang mga miyembro ng kanyang pamilya.  Kaya siya ang nagtatrabaho at kumikita ng pera.   Ang ina naman ang bahala sa bahay at sa pag-aalaga ng mga bata.   Siya ang humahawak ng pera ng pamilya at pinagkakasya ito sa pangangailangan ng pamilya.  Ang mga anak naman ay may responsibilidad rin.  Sagutin nila ang mahusay na pag-aaral at ang pagtulong sa bahay.

Kasama rin sa pag-aalala ng pamilya ang lolo at lola, ang mga kapatid ng ama at ina, lalo na't ang mga ito'y nakababata.  Kadalasa'y sama-sama sa isang bahay ang lolo at lola, ang ama at ina, at ang mga anak.  Kung minsa'y kapisan din ang wala pang asawang kapatid ng ama o ina.  Kapag ganitong kumpleto ang pamilya'y tatlong salin-lahi ang nakatira sa iisang bahay.   Tulung-tulong sila sa mga gawain at sa paghahanap-buhay.

Masinsin ding inaalala ng pamilya ang bawat kaarawan at anibersaryo.  Sa mga okasyong ito ay may mga salu-salo't pagtitipon.  Ang may kaarawan o may anibersaryo ay binibigyan ng regalo.  Nagbabalitaan ang pamilya at ikinukuwento ang buhay-buhay ng isa't-isa.  Gayun din ang buhay-buhay ng iba pang kamag-anak.  Sa ganitong paraan, alam ng lahat ang halos lahat nang nangyayari sa iba pang pinsan o pamangkin.  Masasabing tsismis ang ganitong pagbabalitaan subali't may mabuti itong aspeto.  Kung may nangangailangan ng tulong ay nalalaman kaagad ng pamilya.

Ang pagtulong ay isang malaking bahagi ng samahan ng magkakamag-anak.  Sa pananaw na ito, hindi maaring umangat nang nag-iisa ang isang tao.  Kailangan niya ang tulong ng kaniyang pamilya --sapagkat lubhang mahirap ang buhay sa mundo.  Sa kabilang dako, ang taong may pag-aaruga sa kanyang pamilya ay kinakasiyahan ng kapalaran.  Ganito halos ang nangyayari lalo na sa mga pamilya ng dukha.  Nagtutulong-tulong ang mga nakababatang anak, ang ama at ina, upang mapaaral ang pinakamatanda.  Pag nakatapos na ito, tungkulin naman niyang paaralin ang kanyang mga kapatid.  Kung mag-aasawa man siya ay inaasahan na tutulong din ang mapapangasawa niya.

May mabuti at masamang aspeto ang ganitong tradisyon sa Pilipinas.  Kung minsan ay nagsasamantala ang ibang kamag-anak.  Sapagkat lagi silang may matatakbuhan ay hindi sila natututong maging responsable sa kanilang buhay.   Pangalawa'y nahihirapan ang isang Pilipino na makaabot sa kanyang mga layunin sa buhay.  Mangyari'y dala-dala niya ang problema ng kanyang buong pamilya.

Sa kabilang dako, ang pagtutulungang ito marahil ang pinakamatibay na sandata laban sa trahedya.  Ang mga naulilang mga bata ay may maaasahan.  At kahit na mahirap ang isang pamilya'y nakararaos din kahit paano.   Ang pamilya rin ang nagtataguyod ng mahuhusay na pagpapahalagang sosyal.   Itinataguyod nito ang pagiging responsable, ang pagtutulungan, ang pagkakaisa at pagtatangi sa isa't-isa.  Matibay din itong sanggalang laban sa tinatawag na "alienation" at iba pang karamdaman ng isip at damdamin.

Source:  Ramos, T. V. and Goulet, Rosalina, M. (1981).  Intermediate Tagalog:  Developing Cultural Awareness   through Language.  University of Hawaii Press:  Honolulu.

top

anarule.gif (1534 bytes)

Pagsusulit

This space shows a quiz in java-enabled browsers. top

anarule.gif (1534 bytes)

Mga Iba Pang Gawain

top