anabnr2.gif (15838 bytes)

May nakilala kang isang babaing taga Silang, Cavite.  Tinanong mo si Lucia kung kilala niya ito.

real.gif (626 bytes)

Ikaw:  May bago akong kaibigan.  Taga Silang, Cavite siya.  Siguro kilala mo. 
Lucia:  Anong pangalan niya?
Ikaw:  Sharon.  Maganda siya.   Nag-aral daw siya sa Cavite Institute.  Dalaga pa pero may kasintahan siya sa Maynila. 
Lucia:  O, saan naman kayo nagkita?
Ikaw:  Sa istasyon ng bus.  Taga Silang nga daw siya kaya matagal din kaming nag-usap.  Ang bait niya!
Lucia:  Ay naku po!  Eh, kapitbahay ko siya.  Kababata ko pa.  Pareho kaming nag-aral sa Cavite Institute.  Isa siya sa maituturing kong kaibigang matalik.
Ikaw:  Kay bait niya!
Lucia:  Oo, talagang mabait siya kahit noon pa.