anabnr2.gif (15838 bytes)

Basahin ang ulat tungkol sa Bayan ng Maynila.. 
Gamitin ang flashcard sa kanan  para sa mahihirap na salita sa sanaysay.   Kung gusto mong pakinggan ang sanaysay, i-klik ang audio.
Pagkatapos basahin ang buong sanaysay, gawin ang email sa ibaba.

 

Bagong Maynila, bagong pasyalan
real.gif (626 bytes)

jeepney-1.jpg (29129 bytes)



Para 'to sa mga hindi taga-Maynila.  Simula bukas nang hapon, bakasyon na hanggang Linggo.  Di naman puwedeng sa sementeryo lang kayo ng limang araw ng Undras.  Pagkakataon nang mamasyal.  Itinuturing ngang patriotic duty sa panahon ng matumal na ekonomiya ang pamamasyal.  Kasi ang turismo ay isa sa pinakamatuling paraan para umikot ang pera.  Mula five star hotel hanggang nagtitinda ng nilagang mani sa bangketa, kumikita.  At kapag umikot ang pera may pansuweldo sa empleyado at pambili ng anu-ano.  Kahit papaano, aandar ang ekonomiya.

Rekomendado kong pasyalan ng mga taga-probinsiya ang lungsod ng Maynila.  Oo, 'yung dating bulok, madumi't ma-trapik na capital.  Pero iba na ang Maynila ngayon.   Gumaganda na muli tulad ng kinagisnan ng ating mga lolo.  Karamihan ng distrito, inayos na ni Mayor Lito Atienza.  Nahahakot na ang basura.  Nabawasan na ang ingay at usok ng trapik.

Lumakad kayo sa gilid ng Ilog Pasig sa likod ng Central Post Office.  Hindi na mabantot.  Umaagos na ang tubig.  Wala nang tankers at tug boats na nakaparada.  Ang sarap pasyalan ng buong pamilya.

Tapos tumawid kayo sa Liwasang Bonifacio.  May dancing fountain sa gitna.   Mula roon tumuloy sa Mehan Garden.  Bagtasin ang malinis at maliwanag na underpass patungong Intramuros.  Ikutin ang Old City sa kalsadang gawa sa sinaunang cobble stones.

Puwedeng magtapos ang pamamasyal sa Fort Santiago.  Maraming pahingahan at pagpi-piknikan.  Marami ring matutunan tungkol sa ating makulay na kasaysayan.

Di kaya, tumungo sa Rizal Park o Luneta Grand Stand.  Namnamin ang sikat na Sunset at Manila Bay.  Maraming murang kainan sa gilid-gilid.  Kung mahaba ang gabi, tumuloy sa Ermita-Malate district.  Ikutin ang mga bar.  Baka makatabi n'yo ang mga sikat na artista't musikero, sina Kuh Ledesma at Leah Navarro.  Hanggang madaling-araw. buhay na buhay ang lugar.  Balut o penoy ang panggising.

Bago na talaga ang Maynila.  Mura at masayang pasyalan.

SAPOL ni Jarius Bondoc 10/30/2001
Source: Philstar Ngayon

 

 

Mga Talasalitaan


anarule.gif (1534 bytes)

READING QUIZ