anabnr2.gif (15838 bytes)

Annie Batungbakal
(Words & music by Dennis & Rene Garcia)

Si Annie Batungbakal na taga Frisco
Gabi-gabi na lang ay nasa disco
Mga problema niya'y kanyang nalilimutan
Pag siya'y yumuyugyog, sumasayaw!

(CHORUS)
Sa umaga, dispatsadora
Sa gabi, siya'y bonggang-bongga.
Pagsapit ng dilim, nasa Coco Banana
Annie Batungbakal, sa disco isnabera
Sa disco, siya ang reyna!

Si Annie Batungbakal na taga Frisco
Laging ubos ang suweldo n'ya sa disco
Mga problema niya'y kanyang nalilimutan
Pag siya'y yumuyugyog, sumasayaw!

(REPEAT CHORUS)

Si Annie Batungbakal na taga Frisco
Bigla na lang natanggal sa trabaho
Mga problema niya'y lahat nagsidatingan
'Di na yumuyugyog, sumasayaw!

(REPEAT CHORUS)