anabnr2.gif (15838 bytes)

Kasaysayan
real.gif (626 bytes)

Anak:  Nanay, tulungan mo naman ako.

Nanay:  O, tungkol saan, anak?

Anak:  May assigment po kami tungkol sa rebolusyon noong 1898.

Nanay:  Ano ang gusto mong malaman?

Anak:  Totoo po ba na ayaw ni Rizal sumama sa rebolusyon ni Bonifacio?

Nanay:  Hindi naman.  Ayaw lang ni Rizal na hindi magtagumpay ang mga Pilipino dahil sa kakulangan ng mga armas at hindi pa tamang oras ng pag-aalsa.

Anak:  Bakit pinatay si Rizal?  Wala pala naman siyang kasalanan.

Nanay:  Anak, si Rizal ang ating Pambansang Bayani dahil sa kanyang talino at impluwensiya sa ating mga kababayan noong panahon ng mga kastila.  Marami siyang sinulat na nagmulat sa mga mata at pananaw ng mga Pilipino.

Anak:  Ano ang sinulat niya?

Nanay:  Halimbawa ay ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.  Ito ay tungkol sa mga pang-aapi ng mga kastila sa mga Pilipino at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino.

Anak:  Ano ang nangyari sa mga kastila at kay Bonifacio?

Nanay:  Pagkatapos barilin si Rizal sa Luneta, nagsimula ang rebolusyon at namatay si Bonifacio. Dumating ang mga Amerikano at napaalis nila ang mga kastila sa loob ng maigsing labanan.

Anak:  Makulay pala ang ating kasaysayan.   Gusto ko pa pong malaman ang iba bang mga pangyayari noon.

Nanay:  O hala, matulog ka na.