Pagpupuri

real.gif (626 bytes)

Jean: Ang ganda naman ng bahay mo!
Pat: Salamat, mare.
Jean: Magkano ba ang bili mo nito?
Pat: Medyo mahal siya, umabot sa $120,000 ang halaga niya.
Jean: Talaga, pero sulit naman ang bayad mo kasi malaki naman itong bahay.
Pat: Oo nga, kaya hindi na ako nagdalawang isip na bilhin.
Jean: Maganda at tahimik pa naman ang lugar na ito. Siguradong makakapag-relaks ka.
Pat: Iyan nga ang basehan ng disisyon ko. Gusto ko kasi ng malayo sa ingay at
polusyon.   Hindi kagaya sa siyudad.
Jean: Eh, di masaya ka na.  Nakuha mo na ang dream house mo.
Pat: Siyempre!