Kaarawan ni Gat. Jose Rizal
wpe12.jpg (3301 bytes)

A Hero's Boyhood

Rizal was born to a family which even by today's standard could be considered well-to-do. Hi father, Don Francisco, was a sugarcane planter and landholder. His mother, Doņa Teodora, was well-educated, a rare quality among women in those times.

They lived in a stone house with an orchard, and had a privatelibrary with about a thousand of books. Although Rizal had an older brother and several sisters who could take care of him, his father hired an aya, or personal servant to look after the young Pepe (his pet name).

Doņa Teodora supervised his early education. She taught him how to read, pray, and recite the rosary. Later, his father hired a tutor who lived with the family and gave him lessons in reading, writing, and the rudiments of Latin.

Surrounded by books and encouraged by parents who valued education highly, Pepe soon developed a love for learning which would continue throughout his life.

He was nine years old when his father brought him to Biņan to continue his studies under a stern old man whom Rizal described as "tall, thin, long-neck, with a sharp nose and a body slightly bent forward."

Pepe would soon discover that his teacher's sever looks were matched only by the severity of his teaching methods. Flogging was part of their daily class.

"I don't want to amuse myself narrating the whacks that I suffered nor describe what I felt when I received the first beatings on the hand," he recalled in his diary. "Some envied me and others pietied me. Sometimes they accused me wrongly, sometimes rightly, and always the accusation cost me half a dozen or three lashes."

Despite his reputation as a good boy, rare was the day when he was not whipped or given five or six beating on the hand.

Rizal hated this barbaric method of education. In his novel, Noli Me Tangere, he included a chapter where he described the terrible effect of this cruelty on children. He was convinced that "it was imposible to thing in the face of rod and whip; apprehension, and fear, upset even the most self-possessed."

Rizal wanted a school which was "not a torture chamber but a playground of mind." He wanted the primer not to be "a black book bathed in the tears of childhood, but a friendly guide to marvelous secrets."

In 1972, he enrolled at the Ateneo Municipal for a bachelor of arts degree. The spirit of competition and personal discipline at the Ateneo sparked anew interest in learning.

Their classes where divided into two teams called the Romans and the Cathaginians. The two teams, whose members were ranked according to their scholastic standing, competed with each other on the daily lessons.

Rizal started at the tail-end of the Carthaginian team but in a month's time, he was named emperor and was awarded an estampita. He won medals and recognition for his talents and consistently earned a grade of Excellent for most of his subjects.

Later he studied medicine at Univesity of Santo Tomas while pursuing a surveying course under the Jesuits.

He was seventeen when he sailed for Spain, where he enrolled at the Unversidad Central de Madrid. He finished both medicine and philosophy in 1885.

The spirit of liberalism in Europe enable him to pursue his varied interests. He learned several languages, traveled many countries, and campaigned actively for reforms in the Philippines. He wrote another novel, El Filibusterismo and annotated Sucesos de las Islas Filipinas where he corrected certain historical errors about the Philippines. He also contributed manu articles to La Solidaridad, the newspaper of the reform movement.

On his return to the Philippines in 1892, he was exiled to Dapitan by the Spanish authorities, for allegedly keeping subersive pamphlets in his possession.

He was on his way to Cuba to serve as a volunteer doctor when the Philippine Revolution broke out. He was arrested and charged with the crimes of rebellion and sedition.

On December 30, 1896, he was executed by a firing squad at the Luneta. Rizal did not want to be shot at the back like a traitor. But his request to face the firing squad was denied. When he heard the shots, /rizal twisted his body to the right to meet them. He fell dead with his face upward - facing the dawn - as befits the great and honorable man that he was. 

Source: Filway's Almanac Centennial Edition                  

back to top


PGMA's Speech during the Celebration of 141st Birthday of Dr. Jose P. Rizal

Calamba, Laguna (19 June 2002)

MARAMING SALAMAT.

MARAMING SALAMAT KALIHIM JOEY LINA, ANAK NG LAGUNA, DATING AMA NG LAGUNA AT NGAYON AMA NG LAHAT NG LOCAL GOVERNMENT NG PILIPINAS KAYA DAPAT IPINAGMAMALAKI NG PROBINSYA NG LAGUNA SI JOEY LINA.

KAGALANG-GALANG NA TUMITINDING BILANG AMA NG LAGUNA SA NGAYON, ACTING GOVERNOR DAN FERNANDEZ; AT SIYEMPRE ITONG ATING MATAGAL NG AMA NG CALAMBA NA SIYANG NAG-IMBITA SA AKIN ITONG ARAW NA ITO, SI MAYOR SEVERINO LAJARA; AT SINIGURADO KO NA NANDITO SIYA DAHIL SIYA RIN AY ANAK NG CALAMBA, SI CONGRESSMAN JUN CHIPECO.

GUSTO KO RING BATIIN ANG, NANDITO RIN SI LLDA CHAIRMAN CALIX CATAQUIZ, SABI NILA, AYUN.

AY, NANDITO YUNG MGA MAYOR NG LAGUNA, NAKITA KO SI BOY AQUINO, NANDITO RIN SI MAYOR PEREZ NG BI„AN; MAYOR ARCILLES NG STA. ROSA; MAYOR BERIS NG CALAUAN; MAYOR MACALALAY NG LUMBAN; MAYOR RODILLES NG MAJAYJAY; MAYOR CORALES NG NAGCARLAN, MAYOR REBONG NG VICTORIA; ATING MGA KAGALANG-GALANG DIN NA MGA BOARD MEMBERS NG LALAWIGAN NG LAGUNA.

AT NARITO RIN, GUSTO KONG BATIIN YUNG KAMAG-ANAK NG ATING GUEST OF HONOR ITONG ARAW NA ITO, KAYA ANG ATING GUEST OF HONOR AY SI DR. JOSE RIZAL, NANDITO SILA, UNAHIN KO YUNG AKING KAIBIGAN SI BILLY VILLARUZ, YUNG KANYANG MGA KAANAK SI ESTER ASURIN, SI DORIS VILLARUZ, SI JOANNA RAYMUNDO, SI VERONICA RAYMUNDO, SI ALFON PINTO, SI MANNY HERBOSA, SI BARBARA GONZALEZ; MGA KAIBIGAN DITO SA LAGUNA; MGA KAIBIGAN DITO SA CALAMBA:

PINAPAABOT KO ANG AKING TAOS-PUSONG PAGBATI SA LAHAT NG MGA TAGA-RITO SA LUNGSOD NG CALAMBA, SA BUONG LALAWIGAN NG LAGUNA MAGING SA BUONG PILIPINAS SA PAGDIRIWANG NATIN NGAYON NG KAARAWAN NG NATATANGING ANAK NG CALAMBA AT ATING PAMBANSANG BAYANI -- SI DR. JOSE RIZAL.

MAY ISANG KILALANG MANUNULAT MINSAN SINABI NIYA, "ANG BAYANI AY SIYANG BUNGA, KALULUWA AT PAG-IBIG NG ISANG BANSA. ANG ISANG BANSANG WALANG BAYANI AY PARANG ISANG PUNONG WALANG BUNGA, PARANG ISANG KATAWANG WALANG KALULUWA AT PARANG ISANG PUSONG WALANG PAGMAMAHAL."

PERO DITO SA PILIPINAS, WALANG MAKAKASABI NA ANG PILIPINAS AY ISANG PUNONG WALANG BUNGA, SAPAGKA'T MERON TAYONG MGA BAYANI NA NANGUNGUNA NGA ROON SI DR. JOSE RIZAL. WALANG MAKAKASABI NA ANG LAGUNA AY KATAWANG WALANG KALULUWA, SAPAGKA'T ANG LAGUNA ANG NAGBIGAY SA ATIN BANSA NG PAMBANSANG BAYANI. AT LALONG WALANG MAKAKASABI NA ANG CALAMBA AY ISANG PUSONG WALANG PAGMAMAHAL, SAPAGKA'T MAYROON TAYONG ISANG ANAK NA NAG-ALAY NG BUONG BUHAY PARA SA KANIYANG BAYAN. 'YAN NA NGA SI JOSE RIZAL.

ANG ATING KASAYSAYAN AY PUNO NG MGA KUWENTO NG KABAYANIHAN NA DAPAT NATING ALAGAAN. DAPAT DIN NATING BIGYAN NG PAGKILALA ANG KABAYANIHAN NG NASA ATING PALIGID SA ARAW-ARAW. SI JOSE RIZAL, NANDOON NA LAHAT NG KATANGIAN NG ISANG BAYANI NGUNIT IBA'T-IBA ANG MGA KATANGIAN NI JOSE RIZAL AY NAKIKITA NAMAN NATIN SA MGA BAYANI NA NASA IBA'T-IBANG LUGAR SA ATING KAPALIGIRAN. MAAARING ITO AY ANG KABAYANIHAN NG MGA KAWANI NG PAMAHALAAN NA TAPAT NA NAGLILINGKOD SA MGA MAMAMAYAN. NANDIYAN ANG BAYANI RIN NUNG MGA UTILITY WORKERS NG LUNGSOD NA PINAPANATILING MALINIS ANG KALYE SA GITNA NG INIT NG ARAW O BUHOS NG ULAN. NANDIYAN ANG KABAYANIHAN NG TINDERA SA PALENGKE NA HINDI MARUNONG MANDAYA SA KANYANG TIMBANGAN. NARIYAN ANG KABAYANIHAN NG MGA GURO NA BUONG TIYAGANG HUMUHUBOG SA ISIP NG MGA KABATAAN UPANG IHANDA SILA SA MAGANDANG HINAHARAP, MGA TEACHERS -- CONGRATULATIONS SA MGA TEACHERS NATIN, NANDIYAN SILA. AT NARIYAN DIN ANG KABAYANIHAN NG ATING MGA MAGULANG NA PATULOY NA BUMUBUO NG MAGANDANG PAMILYA TUNGO SA ISANG MAGANDANG PAMAYANAN.

ITONG MGA NAKARAANG ARAW, MAY MGA KABABAYAN TAYONG NAGPAMALAS NG MAGANDANG HALIMBAWA NG KAGITINGAN. SI EDIBORAH YAP NG LAMITAN, BASILAN, NAGPAKITA NG KADAKILAAN NG KANYANG PROPESYON, NAG-AALAGA SA MGA KAPWA BIHAG BILANG ISANG NURSE HANGGANG SA KATAPUSAN NG KANYANG BUHAY. SI MARILYN BONGUIAT, ISANG GURO NG CALABANGA, CAMARINES SUR, SINOLI 'YUNG HIGIT ANIM NA MILYONG PERA NA NAGKAMALI PINADALA SA KANYANG ACCOUNT BILANG SWELDO, BINALIK N'YA. ANG ATING MGA SUNDALO AT NARIRITO, LAHAT NAGBANGGIT SA ATING MGA HENERAL, NANDIYAN SI SOUTHERN LUZON GENERAL ROY KIAMCO, NANDIYAN SI DEPUTY SOUTHERN LUZON GENERAL, SI GENERAL PREJIDO, SONNY; AYUN BA DOMENG REYES NA YON, AYUN, SI POLICE GENERAL DOMINGO REYES.

ALAM N'YO KUNG BAKIT NANDITO ANG FULL FORCE NG MGA HENERAL? GUSTO NILANG MAGPAHAYAG NG PAGBATI SA CALAMBA DAHIL HINDI N'YO BINIBIGYAN SILA NG SAKIT NG ULO TUNGKOL SA KAPAYAPAAN.

NGUNIT AYAN MGA SUNDALO, BAYANI RIN YUNG MGA HINDI MATATAWARAN ANG KATAPANGAN SA PAKIKIPAGLABAN SA KABUNDUKAN MAGKAROON LAMANG TAYO NG KAPAYAPAAN.

AT LIBU-LIBONG MGA DAKILANG MANGGAGAWANG PILIPINO SA IBANG BANSA NA NAGTITIIS MAGING MALAYO SA KANILANG MGA MAHAL SA BUHAY MABIGYAN LAMANG SILA NG MAGANDANG KINABUKASAN AT ANG MGA MANGGAGAWA NA MARAMI DITO SA CALAMBA NA NAGTATRABAHO PARA MAGBIGAY NG HANAPBUHAY SA PAMILYA PERO NAGBIBIGAY DIN NG MAGANDANG PRODUKTO SA ATING EKONOMIYA. SILA, DAKILANG MANGGAGAWANG PILIPINO, AY BAYANI RIN NG ATING BANSA.

KAYO MAN, BILANG MGA ORDINARYONG MAMAMAYAN NA NAGSUSUMIKAP MAGING BAHAGI NG PAG-UNLAD NG BAYAN AY MATUTURING DING BAYANI. ANG CALAMBA NGAYON AY HINDI LAMANG KILALA BILANG BAYANG SINILANGAN NI JOSE RIZAL. ITO NA RIN AY LUNSOD NA KILALANG NAGBIBIGAY NG NAPAKARAMING TRABAHO AT NAPAKARAMING PRODUKTO NG INDUSTRIYA NA BINIBENTA DITO AT BINIBENTA SA IBANG MGA BANSA. NOONG ISANG TAON, NAGKAROON TAYO NG KAHIRAPAN SA ATING EXPORTS KAYA PATI CALAMBA AY NAGKAROON NG PROBLEMA SA EMPLOYMENT. TINITINGNAN KO NGA DITO YUNG BRIEFING KIT TUNGKOL SA CALAMBA, MARAMI ANG PRODUKTO NG CALAMBA PERO 11 PERCENT ANG ATING MINANA NGAYON NA UNEMPLOYMENT RATE. KASI KILALA NGA ANG CALAMBA BILANG LUGAR NA MARAMING PABRIKA KAYA MARAMING IBANG MGA TAGA IBANG LUGAR NA PUMUPUNTA DITO, NAGHAHANAP NG TRABAHO DAHIL YUN ANG PAGKAKILALA SA CALAMBA NGAYON. YUNG MGA TRABAHADOR NA NAGTATRABAHO -- BAYANI. YUNG MGA TRABAHADOR NA NAGHAHANAP NG TRABAHO, BAYANI RIN. NANGGAGALING SA IBANG MGA LUGAR PARA MAGHANAP NG TRABAHO, KABAYANIHAN YAN. ANG NAGBIBIGAY NAMAN NG TRABAHO, YUNG MGA NAMUMUHUNAN, AY BAYANI RIN. AT ANG MGA NAMAMAHALA AT MGA MAMAMAYAN NA NAGBIBIGAY NG MAGANDANG INVESTMENT CLIMATE SA CALAMBA AY BAYANI RIN.

SAAN MAN TAYO TUMINGIN AY MAY MGA MALILIIT NA BAYANI NA NAG-AALAY NG KANILANG MAKAKAYA PARA SA IKABUBUTI NG KANILANG KAPWA SA ATING BANSA. ITO ANG SIMULAING PINUKAW SA ATING MGA DAMDAMIN NG ATING BAYANING SI DR. JOSE RIZAL: ANG MAGKAISA UPANG PALAYAIN ANG SAMBAYANAN.

NOON ANG KANYANG TRABAHO AY PALAYAIN TAYO SA INIISIP NIYANG MASAMANG PAMAMAHALA NG MGA DAYUHAN PERO ANG GUSTO NIYA MAGKAISA.

RIZAL WAS DEEPLY CONCERNED WITH THE ASCENDANCY OF A UNITED FILIPINO NATION. AN EMINENT FILIPINO HISTORIAN DESCRIBED HIM AS ONE WHO "FORMULATED THE REVOLUTIONARY CONCEPT OF THE FILIPINO NATION AS INCLUDING CHRISTIANS AND MUSLIMS AND ALL OTHER PEOPLES OF THE ARCHIPELAGO, IN ONE ALL-EMBRACING FRATERNAL UNION." OHO, ISANG DAHILAN KUNG BAKIT ANG LAHAT NG MGA BAYANI, SI JOSE RIZAL ANG ATING NATIONAL HERO AY DAHIL NA YUNG NATIONHOOD NA BINIGAY NIYA MAGING KRISTIYANO, MAGING MUSLIM, MAGING IBANG LAHI -- LAHAT PILIPINO. RIZAL WANTED HIS COUNTRYMEN TO CREATE A NEW NATION COMMITTED TO A SHARED DESTINY.

SI DR. JOSE RIZAL AY BAYANI NOON AT MANANATILING BAYANI MAGPAKAILANMAN. ITO NGA YUNG THEME NG ATING CELEBRATION NGAYON, ANONG SABI? ANG THEME: "GAT. JOSE RIZAL -- BAYANI NOON, BAYANI NG MAKABAGONG PANAHON." PAPANO NATIN GAGAWIN SIYANG TUNAY NA BAYANI NG MAKABAGONG PANAHON? ITO AY MANGYAYARI KUNG MAMALAGI SIYA SA PUSO AT ISIPAN NG BAWA'T ISA SA ATIN, KUNG ATING ISASABUHAY ANG KANYANG MGA ITINURO AT INIHABILIN, KUNG MAGIGING INSPIRASYON NATIN ANG KANYANG BUHAY AT MGA SIMULAIN.

SI JOSE RIZAL AY BAYANI NOON AT BAYANI SA BAGONG PANAHON. KUNG IBABAHAGI NATIN ANG ATING TALINO AT LAKAS PARA SA IBA GAYA NG GINAWA NIYA HANGGANG DOON SA DAPITAN, KUNG MAGLALAAN TAYO NG ORAS PARA MATULUNGAN ANG MGA MAS NANGANGAILANGAN, AT KUNG HANDA TAYONG KUMILOS SA ABOT NG ATING MAKAKAYA PARA MAAHON ANG ATING MGA KABABAYAN SA KAHIRAPAN.

SI DR. JOSE RIZAL AY BAYANI NOON AT MANANATILING BAYANI NG BAGONG PANAHON KUNG MANANATILING BUKAS ANG ATING ISIP AT PUSO SA PAGBABAGONG DULOT NG PAGLIPAS NG PANAHON, AT KUNG HANDA TAYONG TANGGAPIN ANG HAMON NG PAG-UNLAD AT MATALINO NATIN ITONG HARAPIN.

MGA TAGA-CALAMBA, ALAM KONG BATID NINYO ANG MGA SULIRANING BINABALIKAT NG ATING PAMAHALAAN. DITO NGA, MARAMING INDUSTRIYA 11 PERCENT PA RIN ANG UNEMPLOYMENT RATE, PAANO PA DOON SA IBANG LUGAR. GINAGAWA NATIN ANG LAHAT PARA LABANAN ANG MGA BAGONG ANYO NG PANG-AALIPIN: ANG TERORISMO AT KAHIRAPAN NA UMIIRAL SA ATING LIPUNAN. SINISIKAP NATING SUGPUIN ANG KATIWALIAN SA GOBYERNO, ANG AWAYAN SA KAPANGYARIHAN NG MGA PULITIKO, AT ANG MGA KARAHASAN NG MGA BANDIDO NA SIYANG LALONG NAGLULUBOG SA BANSA SA KAHIRAPAN.

PATULOY ANG ATING ADMINISTRASYON AT MALAKING TULONG SA AKIN ANG ANAK NG LALAWIGAN AT DATING AMA NG LALAWIGAN NA SI JOEY LINA NA KUMIKILOS PARA MAPABUTI ANG KALAGAYAN SA BUHAY NG ATING MGA KABABAYAN, LALUNG-LALO NA ANG MGA MAHIHIRAP.

HINDI TAYO TITIGIL HANGGANG HINDI NAWAWAKASAN ANG KARAHASAN NG MGA TERORISTA AT MGA KRIMINAL. AT HINDI RIN TAYO TITIGIL NA MAGHANAP NG PARAAN UPANG DUMAMI MULI ANG TRABAHO PARA SA ATING MAMAMAYAN. NGAYON, UMAANGAT NA NAMAN MULI ANG ATING EXPORTS. IN FACT, YUNG HULING FIGURE NA NAKITA KO, SANA TOTOO -- 20 PERCENT ANG ATING EXPORT GROWTH COMPARED TO NEGATIVE NOONG ISANG TAON. YUNG ATING TURISMO, BINABATIKOS AKO 'PAG AKO AY NAGDA-DIVING, NAGWA-WHITE WATTER RAFTING, NA MA-MOUNTAIN CLIMBING PERO NAKATULONG. LATEST MONTH ON MONTH FIGURE, 10 PERCENT ANG PAG-ANGAT NG ATING INTERNATIONAL TOURISM.

PERO MARAMI PA RING WALANG TRABAHO SA NGAYON KAYA DODOBLEHIN NATIN ANG ATING KAILANGAN GAWIN. SAYANG WALA SIYA RITO NGAYON PERO MERON DING ISANG ANAK NG CALAMBA, SI CITO LORENZO MANUGANG NI MAMENG YULO, NA GABAY KO PARA MAGHANAP NG DAGDAG NA TRABAHO PARA SA ATING MAMAMAYAN.

DAHIL ANG PANGUNAHING PANGGAGALINGAN NG TRABAHO AY INVESTMENTS ANG CALAMBA AY MALAKING HALIMBAWA NITO. KAILANGAN NATING ISIGURADO ANG MAGANDANG INVESTMENT CLIMATE. KAILANGAN DITO AY KAPAYAPAAN SA INVESTMENT CLIMATE. KAILANGAN PEACE AND ORDER, KAILANGAN INDUSTRIAL PEACE. YUNG DALAWANG KLASENG KAPAYAPAAN NA YUN AY KAILANGAN PARA SA TRABAHO.

KAILANGAN DIN AY BAGAY ANG KAKAYAHAN NG MANGGAGAWA SA PANGANGAILANGAN NG MGA NAMUMUHUNAN. SA MARAMING LUGAR NA PINUPUNTAHAN KO, SI CITO LORENZO NGA AY NAGO-ORGANIZE NG JOBS FAIR. AT HALOS PARATI, SA MARAMING MGA PINUPUNTAHAN KO NA NAGLALAGAY NG JOBS FAIR, MAS MARAMING TRABAHONG AVAILABLE KAYSA SA MGA NAG-AAPLY NG TRABAHO. IBIG SABIHIN NUN, MAY TRABAHO. BAKIY MAY UNEMPLOYMENT? KAILANGAN HANAPAN NG PARAAN KUNG PAPAANO MAKAABOT SA MGA OPORTUNIDAD NA ITO ANG MGA NAGHAHANAP NG TRABAHO.

MAY TRABAHONG NAGHAHANAP NG MANGGAGAWA, MAY MANGGAGAWA NAMANG WALANG TRABAHO. IBIG SABIHIN NITO MAY JOB MISMATCH. KAYA NAPAKA-IMPORTANTE NA AYUSIN NATIN ANG JOB MISMATCH. AT AKO AY NAGRE-ORGANIZE NG TESDA DAHIL GUSTO KONG ASIKASUHIN NG TESDA MAGKAROON NG BAGONG ORIENTATION YUNG JOB MATCHING. ANG CALAMBA AY KAILANGAN KO NG TULONG DAHIL MARAMING INDUSTRIYA DITO -- TULUNGAN N'YO ANG TESDA GUMAWA NG BAGONG CURRICULUM KUNG SAAN TALAGA DOON ANG HINAHANAP NG MGA TRABAHO.

NAPAKALAKI ANG PROBLEMA NG JOB MATCHING. ALAM NIYO ITO KASI MARAMI KAYONG TRABAHO INDUSTRIYA DITO SA CALAMBA.

AT ISA RING PINANGGAGALINGAN NG WALANG TRABAHO NGAYON, APRIL MARAMING WALANG TRABAHO DAHIL MARAMING NAG-GRADUATE SO MARAMING NAGHAHANAP NG TRABAHO. AT NGAYON RIN, PANAHON NG HINDI ANI AT HINDI PAGTANIM, MARAMING IN-BETWEEN JOBS. PERO ISA RIN, YUNG MGA BUMABALIK MULA SA IBANG BANSA NA OFW, KAPAG SILA AY 40 YEARS OLD OR RETIREMENT AGE NA, PAGBALIK DITO WALA NA ANG MAGBIBIGAY NG TRABAHO SA KANILA DAHIL MGA FACTORY NINYO ANG HINAHANAP MGA BATA -- 20 YEARS OLD, 25 YEARS OLD.

NAALALA KO, AKO NOONG NAG-TREN KAMI RITO, 'DI BA NANDUN SINA DAN, NAG-TREN KAMI RITO PARA IPAKITA NA MADALING MAGBIYAHE MULA SA MAKATI HANGGANG SA SAN PEDRO. DUMAAN AKO SA IBA'T-IBANG MGA ISTASYON NG TREN. MAY MGA TAGA-LAGUNA BUMABATI SA AKIN DOON SA BINTANA KO. NAALALA KO, TUMIGIL YUNG TREN SA ISANG ISTASYON, MAY DALAWANG ALE, "UY! MGA ALE", SABI KO, "KUMUSTA KAYO, SAAN YUNG MGA ASAWA NINYO?" AKALA KO SASABIHIN, "NASA PABRIKA." SABI NILA, "NANDUN SA BAHAY." "HA!", SABI KO, "BAKIT? WALANG TRABAHO?" "WALA, WALANG TRABAHO EH." TAPOS SI GOVERNOR LAZARO KATABI KO, SABI NYA, "PUNTA SILA SA KAPITOLYO MAY JOBS FAIR." "HINDI NA PWEDE," SABI NUNG MGA ALE, "MAY-EDAD NA KASI HINDI NA KUKUNIN." YAN ANG ISANG MALAKING PROBLEMA RIN NG UNEMPLOYMENT LALO NA 'YUNG MGA BUMABALIK GALING SA IBANG MGA BANSA, OFW.

KAYA AKO AY NAGLALAGAY NGAYON NG ISANG UNDERSECRETARY FOR REINTEGRATION PARA MAGKAROON NG PROGRAMA NA MA-REINTEGRATE, BAGONG KAKAYAHAN O KAPITAL KUNG KAILANGAN, NG MGA BUMABALIK NA OFW. AT ANG NAPAKARAMING MGA OFW, MALAKING-MALAKING SEKTOR 'YAN NG MANGGAGAWA KAYA 'YUNG DATING EXECUTIVE DIRECTOR NG TESDA NA SI LUCY LAZO, SIYA NG GINAGAWA KONG UNDERSECRETARY FOR INTEGRATION NG ATING MGA OFWs.

DEDIKADO ANG PAMAHALAAN SA MGA PROGRAMA UPANG MAKATAKAS ANG MGA MARALITA SA KAHIRAPAN. LALO NA NGAYON, GAYA NG SABI KO, PAGKATAPOS NG GRADUATION, BINANGGIT KO MARAMING NAGHAHANAP NG TRABAHO. ALAM BA HO NINYO KUNG ILAN ANG NAGHAHANP NG TRABAHO SA NGAYON? MORE THAN FOUR MILLION AY NAGHAHANAP NG TRABAHO. GANON KALAKI ANG ATING HAMON. KAYA KAILANGAN DOBLEHIN NATIN ANG PAGSIKAP PARA MATUPAD ANG PANGARAP NA TRABAHO PARA SA ATING MANGGAGAWA.

ANG PANGARAP NA ITO AY ALAM KONG PANGARAP NATING LAHAT. PERO HINDI ITO MAGIGING TOTOO KUNG HINDI TAYO MAGKAKAISA AT MAGTUTULUNGAN. ITO ANG KABAYANIHANG HINIHINGI NG ATING PANAHON. AT AKO AY NANINIWALA NA SA PATULOY NA PAKIKIISA NG NAKARARAMING PILIPINO, TAYO AY MAGTATAGUMPAY.

ITO ANG IBIG SABIHIN NI JOSE RIZAL -- BAYANI NG MAKABAGONG PANAHON. NOON PINAGKAISA NIYA ANG BUONG BANSA PARA ANG MAGIGING MALAYANG PILIPINAS AY ISANG BANSANG PILIPINAS AT HINDI LANG YUNG WALONG UNANG LALAWIGAN. YUN ANG INIWAN NI JOSE RIZAL SA ATIN: ANG ATING NATIONHOOD, PAGKAKAISA. GAWIN NATING BAYANING TUNAY SA BAGONG PANAHON SI DR. JOSE RIZAL. ALANG-ALANG SA KANYA MAGKAISA TAYO BILANG ISANG BANSA AT SUGPUIN NATIN YUNG BAGONG NAG-AALIPIN SA ATING BANSA -- KARAHASAN AT KAHIRAPAN.

MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT.

source: http://www.ops.gov.ph/speeches2002/speech-2002jun19a.htm

back to top