ANG asyendero ay palagiang nabibighani sa mga pagbabago sa teknolohiyang nagaganap sa
modernong mundo. At sa bawat pagkakataon na nakababasa siya ng mga bagong tuklas ng
siyensiya na angkop sa kanyang pangangailangan, binibili niya ang mga ito.
Nang maglaro siya ng golf sa Japan ay napansin niya ang malinis na golf course. Tinanong
niya ang kaibigang Hapones kung sino ang naglilinis niyon.
Mga robot. Walang ibang taong nagpapanatili ng golf course maliban sa isang
computer programmer, sagot ng kanyang golf partner.
Mahusay! Maaari ba akong makabili ng ilang robot na naka-program bilang
magsasaka para magamit ko sa aking lupain sa Pilipinas?
"Puwede. Ilan ba ang kailangan mo?
Isang dosena.
Bumili nga ng robot ang asyendero sa Japan kaya mga robot na ang gumagawa sa kanyang
bukid.
Isa lang ang naging mabigat na problema. Ang mga bakal na robot ay kumikinang sa liwanag
ng araw at ito ang nagdudulot ng sakit sa mata ng mga taong nagdaraan. Tinawagan ng
asyendero ang kaibigang Hapones para humingi ng tulong.
Madali lang, pinturahan mo ang mga robot. Ito ang pipigil sa reflection ng
liwanag. Pintahan mo ang mga robot ng brown.
Bakit brown?
Siyempre, para magmukha silang Pilipino.
Mahusay na payo. Susundin ko ang iyong rekomendasyon. Maraming
salamat, sagot ng naliligayahang asyendero.
Pininturahan ang mga robot. Hindi na kumikinang ang mga robot subalit nagkaroon ng
panibagong problema. Ang mga robot ay kumikilos na tulad na ng mga manggagawang Pilipino.
Kalahati ng mga robot ay hindi na pumasok sa trabaho samantalang ang kalahati ng natitira
ay hindi nagsasaka at nagpapalipas na lamang ng kanilang oras.
|