

Working Student
Click the audio icon to listen to the dialog.
Pause and repeat after each speaker for pronunciation practice. Do the quiz below.
![]()
Guro: Ernie, puwede ba kitang makausap tungkol sa katayuan mo sa klase ko? Napansin kong madalas kang absent. |
Ernie: Hindi na ho mauulit. |
Guro: Lumampas ka na sa bilang nang "allowed absences." Bagsak ka pa sa Midterm exam mo. May problema ka ba? |
Ernie: Wala naman ho kaya lang lagi akong puyat kasi nagtratrabaho ako ng night-shift sa SM. Kulang kasi ang baon na binibigay ng magulang ko. At kailangan din akong magtrabaho para may pambayad sa tuition na inutang ko sa Loan Board. |
Guro: E, kung bagsak ka naman sa klase, sayang din ang tuition na binabayaran mo. |
Ernie: Baka ho pwede pa akong bumawi sa klase ninyo. |
Guro: Kung pagbubutihin mo ang marka mo sa huling exam at sa iyong report, baka magagawan natin nang paraan. |
Ernie: Sisiguraduhin ko hong mapaghahandaan ko ang mga iyon. |