
Basahin ang sanaynay tungkol sa mga
Pilipino sa Nayon.
Gamitin ang flashcard sa kanan para sa mahihirap na salita sa sanaysay.
Kung gusto mong pakinggan ang sanaysay, i-klik ang audio.
Pagkatapos basahin ang buong sanaysay, gawin ang email sa ibaba.

Ibang klaseng abono

DOON PO SA NAYON
ni Sen. Juan M. Flavier
Pilipino
STAR Ngayon
Mahusay na magsasaka si Mang Senting. Marami siyang alam na
paraan sa pagsasaka. Gusto kong matuto sa kanya kaya lagi
akong bumibisita sa kanyang bukid. Minsan ay nadaanan namin ang mga tanim niyang pinya.
Pinuri ko ang malusog na mga pinya. Napansin ko ang mga tanim na sili sa pagitan ng mga
pinya.
Sili ba iyan Mang Senting? tanong ko.
Opo, Doktor.
Para ano iyon?
Iyan ay abono.
Takang-taka ako. Paano magiging abono ang sili sa pinya.
Napatawa si Mang Senting at saka nagpaliwanag.
Alam ninyo, Doktor, kailangang lagyan ng abono ang pinya para
maganda ang paglaki at madaling magbunga. Mahal ang abono
kaya ang ginawa ko tinaniman ko ng sili sa pagitan ang pinya. Sa
tatlong buwan ay handa nang anihin at ibenta ang sili. Ang pera
ay ginagamit kong pagbili ng abono para sa pinya. Kaya ang
tawag ko sa sili ay abono.
Pasensiya ka na Mang Senting, hindi itinuro sa kolehiyo ng
Medisina ang tungkol sa sili at pinya, sagot kong nakangiti.
Idinagdag pa ni Mang Senting, Ang iba ay nagtatanim ng talong,
gabi, kalabasa o sitaw. Depende kung ano ang hiyang na tanim
sa lupa. Ang importante, lahat ng tanim ay maaani sa loob ng
tatlong buwan para pagkakitaan at maibili ng abono."
Humanga na naman ako kay Mang Senting dahil sa husay sa
pagsasaka.
|
Mga Talasalitaan
Gamitin ang flash sa
itaas.
Adjectives and Verbs
mahusay
magsasaka
pagsasaka
matuto
nadaanan
malusog
nagpaliwanag
magbunga
tinataniman
nakangiti
hiyang
husay
pagkakitaan
Things/Objects
sili
pinya
abono
kalabasa
sitaw
talong
gabi
Others
takang-taka
importante |

Mga Tanong Tungkol sa Sanaysay
1. Anu-ano ang mga gulay na tanim ni Mang
Senting?
2. Ano ang relasyon ng sili sa tanim ni Mang
Senting na mga Pinya?
3. Bakit kinakailangang lagyan ng abono ang
pinya?
4. Gaano katagal bago puwedeng maani at ibenta
ang sili?
5. Anu-ano pang gulay ang puwedeng itanim nang
madalian?

Mga iba Pang Gawain
1. Ano ang kahulugan ng talinghagang ito? Ano
ang isinasalarawan ng magsasakang ito? Kung may kaalaman tungkol sa pagsasaka,
magbigay ng halimbawa.
2. Basahin ang "Ad" ng Kagawaran ng
Agrikultura sa Pilipinas. Ano ang ibig sabihin nito?

MAY DATING NA, MAY AKSIYON PA!
3. Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.
Sumulat ng isang talata tungkol sa nga larawan.



Source: Private Travel
Site