Aling Mila: Tony, dito ka na
kumain. Marami akong nilutong ulam.
Ben: Siyanga naman, Tony. Dito
ka na maghapunan para maipagpatuloy natin ang ating usapan.
Tony: Teka. Alas, siyete na
pala. Hindi ko namalayan ang oras. Tiyak na hinihintay na ako ni Misis.
Mag-aalala ho iyon pag ginabi ako. Sa bahay na lang po ako mag-hahapunan.
Aling Mila: A, ganoon ba?
E, di mag-uwi ka na lang nitong kalamay na ginawa ko.
Tony: Salamat ho, nag-abala pa
ho kayo.
Aling Mila: Naku, wala
iyon. Gusto kong matikman ninyo ni Misis ang luto ko.
Tony: Salamat po. O siya, ako
ho'y magpapaalam na sa inyo.
Aling Mila: O sige. Mag-ingat ka
sa daan.
Ben: O, Tony, ako naman ang
bibisita sa inyo sa susunod.
Tony: O sige.