| Rina: Kaibigan, pista sa amin sa Linggo. Makakapunta ba kayo? |
| Mel: Wala pa naman kaming plano. Anu-ano ba ang ang makikita kapag Pista sa inyo? |
| Rina: Marami. Finalist ako sa Amateur Singing Contest sa bispiras ng pista. Kailangan ko ng tagapalakpak. Kaya dapat dumating kayo. |
| Mel: Talaga. Maliban sa kantahan, ano pa? Naghahanda ba kayo? |
| Rina: Oo. Naglelechon kami. Maraming pansit, minatamis, atsara, at marami pang iba. Marami ding tiangge sa plaza. Meron ding perya at mga laro. Sa gabi naman, may beauty at singing contest. |
| Mel: Hmmm...Matagal na akong hindi nakatikim ng lechon. Kung papalakpakan ka namin sa contest, papakainin mo ba kami ng lechon? |
| Rina: Siyempre naman. Pumunta kayo sa bahay pagkatapos ng misa. |
| Mel: O sige, isasama ko ang buong pamilya. |