
Pinoy sa Amerika
| Ernie: Ay naku, magpapadala na naman ako sa atin. |
| Rhoda: Bakit? May uuwi ba? |
| Ernie: Si Tess. Uuwi sa Pasko. |
| Rhoda: Ganoon ba? Ano naman ang ipapadala mo? |
| Ernie: Iniisip ko nga. Magkano na ba ang isang Balikbayan Box ngayon? |
| Rhoda: Sa Sari-Sari store sa Aurora ay $65. Kahit gaano kabigat. |
| Ernie: Gaano katagal iyon bago dumating sa Pilipinas? |
| Rhoda: Hmmmmm. Isang buwan yata at sigurado. |
| Ernie: Wala pa naman akong pera. Maghihintay na lang ako ng sales sa SEARS para makatipid. |
| Rhoda: Doon ka na lang bumili sa Target. Mas mura ang mga shampoo, lotion at rubber shoes. |
| Ernie: Oo nga eh, ang bilin sa akin ay Oil of Olay at maraming sabong Dove. At kailangang Made in USA pati ang sapatos. |
| Rhoda: Dapat tuwing may sales bumibili ka na nang paunti-unti. |