![]()
Paniniwalang Pangkultura
Kapitbahay1: Napansin mo ba na si Danny at ang kanyang asawa ay nakatira sa bahay ni Kumareng Linda? |
Kapitbahay2: Oo nga, naka-usap ko nga si kumareng Linda tungkol diyan. Gusto niyang makasama ang kanyang anak at manugang sa bahay niya. |
Kapitbahay1: Bakit naman? Di ba dapat humanap na sila ng bahay nila? Kailangang matuto na silang magsarili. |
Kapitbahay2: Sabi kasi ni Kumare matanda na raw siya. Gusto niya may isa siyang anak na nasa piling niya. |
Kapitbahay1: Paano kung may apo na? Doon pa rin ba nila palalakihin ang anak nila? |
Kapitbahay2: Alam mo naman tayong mga Pinoy, hindi tulad ng mga kano na maagang humihiwalay ang mga anak sa magulang. |
Kapitbahay1: Ay basta, ako kapag nag-asawa na ang mga anak ko, sisiguraduhin ko na marunong na silang magsarili. |
Kapitbahay2: Sabi mo lang 'yan. Ikaw pa, gustong-gusto mo nang magka-apo. Palagay ko sa iyo rin pipirmi ang mga anak mo. |