
May nakilala kang isang babaing taga Silang, Cavite. Tinanong mo si Lucia kung kilala niya ito.
Ikaw: May bago akong kaibigan. Taga Silang, Cavite siya. Siguro kilala mo. Lucia: Anong pangalan niya? Ikaw: Sharon. Maganda siya. Nag-aral daw siya sa Cavite Institute. Dalaga pa pero may kasintahan siya sa Maynila. Lucia: O, saan naman kayo nagkita? Ikaw: Sa istasyon ng bus. Taga Silang nga daw siya kaya matagal din kaming nag-usap. Ang bait niya! Lucia: Ay naku po! Eh, kapitbahay ko siya. Kababata ko pa. Pareho kaming nag-aral sa Cavite Institute. Isa siya sa maituturing kong kaibigang matalik. Ikaw: Kay bait niya! Lucia: Oo, talagang mabait siya kahit noon pa.