Politics

anarule.gif (1534 bytes)

Sa Palasyo

Isang almusal ang inihanda ng Pangulo para sa kanyang gabinete.

Pangulo: Isang napakagandang araw! Simulan natin sa sistemang pang-ekonomiya at panlipunan.

NeriDalawampung bilyong dolyar ang ating gugugulin sa pagtatayo ng mga mga imprastraktura, kabilang na ang labimpitong paliparang panghimpapawid, anim na daungan, labintatlong malalaking lansangan at ang pagsasaayos ng mga tulay at daanang pang-riles.

PanguloMagaling! Magaling! Margarito, ano naman ang nangyayari sa pananalapi?

MargaritoMabuti po, madam.  Tumaas ang kita ng pamahalaan dahil sa labindalawang porsiyentong karagdagang buwis.  Ang credit rating ay tumaas mula negatibo patungong matatag.  At ang pagkakautang natin sa pandaigdigang kalakalan ay matatapos na sa loob ng tatlong taon.

PanguloMagaling! Magaling!  Ace, ano naman ang sa turismo?

AcePinagsisikapan po nating dagdagan ang pagdating ng dayuhan sa bansa.  Kilala tayo ngayon bilang Beach Capital sa Asya at nakapagtala tayo ng higit sa labinlimang porsiyentong pagtaas ng mga bisita mula sa iba-ibang sulok ng daigdig at labing-apat na porsiyento naman ng mga nagbalik-bayan na OFW.  Inaasahan nating lalakas pa ang ating turismo sa tag-init at sa darating na Pasko.

PanguloMagaling Ace!  Kamustahin naman natin ang DepEd?

JesIpinagtitibay po natin sa humigit kumulang na isandaang paaralan sa Maynila ang edukasyong pang-bokasyonal.  Ipatutupad din natin ang mga kursong may kinalaman sa pamumuhunan ng maliliit na negosyo at ganoon din ang pagkakaroon ng hindi sapilitang pag-aaral ng mga wikang Mandarin at Espanyol.

PanguloMagaling! Matatag ang ekonomiya.  Marami ang bakasyonista.  Maayos ang lahat.  Magaling!  Ano ang masasabi ng ating pangalawang pangulo? Noli?

NoliMagaling! Magaling!