Job Market

anarule.gif (1534 bytes)

Sa Bar

JerryTom, ang balita sa akin ng misis mo ay naghahanap ka raw ng malilipatang trabaho?

TomOo pare. Maliit kasi ang sahod dito sa pinapasukan ko.

JerryHuwag ka lang magbibitiw sa tungkulin mo dito sa bar hanggang wala ka pang bagong mapapasukan.

TomAng natutunan ko lang talaga dito ay humarap sa tao, maghalo ng alak at uminom ng serbesa.

JerryMagagamit mo rin yang karanasan kapag nakahanap ka muli ng puwestong barista sa ibang lugar.

TomPare baka naman may alam kang malilipatan?

JerryWala akong maisip sa ngayon.  Kinonsulta mo na ba ang Job Market sa Manila Times?

TomHindi ako bumibili ng pahayagan e.

JerryBakit hindi mo subukin?  Doon ko nakita ang hanapbuhay ko ngayon sa pagbebenta ng lupa.  May Job Market din na ginaganap sa Greenhills tuwing unang Sabado ng buwan.  Maghanda ka lang ng maraming resume dahil maraming opisina ang pumupunta roon.  Sasamahan kita, sabihin mo lang kung kailan.

TomSalamat!  Pero puwede bang humingi ng pabor?  Makiki-print sana ako ng resume sa bahay ninyo.