International Trade

anarule.gif (1534 bytes)

Sa Trade Expo

Isang malaking pagtitipon ang kasalukuyang ginaganap sa Philippine International Convention Center.

JoyceSa ilang sandali na lang, malalaman na natin ang nagwagi sa kategorya ng "Best Trade Show Exposition Booth."

BoyetIsang masigabong palakpakan po para sa Kalihim ng Department of Trade and Industry na si Ginoong Peter Favila.  Siya ang naatasang magpahayag ng nagwagi sa taong ito.

JoyceSir Favila, akyat po tayo dito sa entablado.

BoyetExcited na ba kayong malaman kung ano ang tatanggapin ng magwawagi? Ang itatanghal na Best in Trade Show Expo Booth ay mabibigyan ng tropeo, premyong isandaang libong piso at pagkakataong kumatawan sa bansang Pilipinas sa World Trade Expo sa Paris, France.

Peter FavilaAt ang nanalo ay ang Muwebles Filipino!

Luis del MundoBilang pinuno ng Muwebles Filipino, buong galak akong nagpapasalamat sa pagtitiwalang ipinagkaloob sa amin ng Trade Expo.  Ito po ay biyaya naming handog mula sa mga lahat ng mga taong nagpapayabong sa aming munting negosyo-- ang mga kliyente, ang mga taga-disenyo, ang mga trabahador at ang buong pamilya ng Muwebles Filipino.  Mabuhay kayong lahat!

Peter FavilaMakikilala rin ang ating bansa sa husay ng mga mga muwebles na gawa sa rattan, narra, niyog, kamagong at marami pang iba.  Ito ay mga kalakal-panluwas at talaga namang world class.  Mabuting balita ito para sa ating ekonomiya.  Good luck to Muwebles Filipino!

BoyetCongratulations Mr. del Mundo!