Human Resources

anarule.gif (1534 bytes)

Sa Ermita, Maynila

Tatlong magkakaibigan ang naglalakad sa kahabaan ng Ermita.  Magkababata, magkakapitbahay, magkakamag-aral sa kolehiyo.

AnnaNakikita ba ninyo ang nakikita ko?

KarenAng alin? Yung mamang kalbo na nagsusuklay or ang batang naliligo sa ilalim ng tulay?

NinaNakikita ko lang ang lugawan sa kanto. Tara, gutom na ako.

AnnaBasahin ninyo ang karatulang iyon.  La Paloma Recruitment Agency.

Sinikap ng tatlong pasukin ang madilim at makipot na tanggapan.

CholengPangalan?

Anna, Karen at NinaAnna... Karen... Nina.

CholengMarunong sumayaw?

AnnaOpo. Naging cheerleader kami sa iskul.

CholengMarunong kumanta?

KarenAy opo! Bihasa kami sa karaoke!

CholengMay asawa? May anak?

NinaLahat dalagang-dalaga po.

CholengPasado na kayo! Hayashi, ayusan mo nga itong tatlo.  Pupuntang Japan yan!