Electronics

anarule.gif (1534 bytes)

Sa Loob ng Bahay

NanayDaddy, pwede bang paki-on ang TV?

TatayAnong channel ang gusto mo?

NanayChannel 7.  Gusto kong panoorin sila Tito, Vic at Joey sa Eat Bulaga!

TatayGusto mo sigurong sumali sa Laban o Bawi ano?

NanaySa totoo lang, tumawag na ako sa toll-free number nila at nag-text sa cellphone para maging studio contestant.  Maghintay ka lang at baka banggitin ang pangalan ko.

TatayKung mananalo ka, ano ba ang gusto mong premyo?

NanayAppliance showcase! Gusto ko ng washing machine, microwave oven, dishwasher, coffee maker, toaster, stove, rice cooker, aircon, ref at iba pa.  Lahat bago!

TatayIsama mo naman ako sa mga pangarap mo!  Ako ang gusto ko bagong kotse na pampasadang taxi.  Alam mo naman na yon ang bumubuhay sa pamilya natin.

NanayAba kumilos-kilos ka rin ano! Tumaya ka na ba sa lotto?

TatayHindi pa, honey.  Paano naman akong lalabas sa init ng araw gayong hindi pa tayo nanananghalian? Luto na ba yan?