Economics

anarule.gif (1534 bytes)

Sa Sari-Sari Store

Aling BertaPabili nga ng mantika. Bente pesos. Tingi lang mare.

Aling CarmenBerta, bakit tingi lang ang bibilhin mo?

Aling BertaMahina kasi ang labada ngayon, Carmen.

Aling CarmenAlam mo ba na mas makakatipid ka kung isang buong lata ng Minola ang kukunin mo?

Aling BertaSa paanong paraan?

Aling CarmenGanito kasi yan. Nabasa ko sa peryodiko na tataas ang presyo ng krudo sa makalawa.  Kaya bago pa umakyat ang presyo ng bilihin, samantalahin mo na ang pagkakataon na mababa pa ang presyo ng langis.

Aling BertaAno ang kinalaman ng presyo sa bilihin?

Aling CarmenPresyo ang isinasaalang-alang sa ekonomiya ng suplay at demand.  Kapag mataas ang presyo, bababa ang demand. Kapag mababa naman ang presyo, natural na marami ang demand.

Aling BertaCarmen, hindi ko alam na magaling ka pala sa Math! O sige, isang lata ng mantika nga.

Aling CarmenDapat nobenta yan pero dahil suki kita, otsenta na lang.