Delivery

anarule.gif (1534 bytes)

Sa Restawran

EmmyManong guard, dumating na po ba ang trak ng San Miguel Beer?

Security guardHindi pa po, ma'am.

EmmyIsang oras na kasi akong naghihintay.  Nagpadeliver ako ng sampung dosenang kaha ng San Mig Light.

Security guardSusubaybayan ko po. Huwag kayong mag-alala.

EmmyPakitawag na lang sa opisina kung dumating na.  At pakitulungan din sila sa receiving and dispatching unit natin.

Security guardAko po ang bahala.

Makalipas ang limang minuto.

Security guard:  Ma'am Emmy, nandito na po ang trak.  May ipapapirma daw po sa inyo.

EmmySige, nandyan na ako.

San Miguel delivery boyMa'am pasensiya na po. Natrapik lang sa Edsa.  Paki-pirmahan na lang po dito sa delivery sheet.

EmmyOk sige heto ang tseke.  Bayad na ang order ko ha.  Sa susunod na buwan muli.  Salamat.