Customer Service

anarule.gif (1534 bytes)

Sa Megamall

Jun-JunPare, hindi ko alam ang bagay sa aking kulay ng polo.

AlbertMadali lang yan! Parang sabong lang yan! Sa pula, o sa puti.

Jun-JunKaya nga ako nagpasama sa iyo e.

GinaAko po si Gina, ang inyong sales girl. Ano po ang hinahanap nila?

Jun-JunDamit para sa prom.

GinaMarami po kaming polo para sa lahat ng okasyon.  May extra small, small, medium, large, extra large. Lahat ng size, lahat ng kulay.  Kumpleto po dito sa SM.

Jun-JunMedium ako pero ano kaya ang magandang kulay?

GinaSir, matipuno naman kayo, maputi at pogi pa kaya siguradong lahat babagay sa inyo.  Kung gusto ninyong maglaro ng kulay, asul ang piliin.  Kung gusto ninyo ng polong magagamit din sa interview, kulay puti.  O kaya kung gusto ninyong magkaterno kayo ng partner ninyo, kulay rosas o dilaw.  Dagdagan pa ninyo ng neck tie at coat.  Tiyak akong kayo ang magiging Prom King.

AlbertJun-jun, narinig mo ba yon? Naks pare, may tama na sa yo si Gina!

Jun-JunAng galing mag-sales talk! Coat and tie pa raw! Mapapabili tuloy ako nang hindi oras!