Clothing and Accessories

anarule.gif (1534 bytes)

Sa Opisina

BossLadies and gentlemen, our regional director from the US, Mr. Brian Davies will be expecting us all to a dinner later this evening at Manila Peninsula.  It is his birthday and his way of saying thank you to everyone for a job well done in the previous quarter.  Without your help, the business of Sara Lee will never be the same. Maraming salamat at aasahan ko ang inyong pagdalo.

MitzyYes sir. Thank you sir. We love you sir.

AllanMitzy, ngayon pa lang ayos na ayos na ang buhok at make-up mo. Ibang klaseng sekretarya ka talaga!

Mitzy: Siyempre naman.  Wala pa nga yan kasi half-day ako ngayon.  Sa hapon, pupunta na ako sa parlor.

Allan: Magpapaganda ka pa sa lagay na yan?

Romina: Allan, iba talaga ang babae.  Kung kayong mga lalaki, dadating na lang kayo sa hotel na hindi man lang nagpapalit ng damit, pwes kaming mga babae dapat magpalit ng suot.

Mitzy: Tama ka Romina! Ano nga pala ang damit mo?

Romina: Red halter dress.  Tapos ang accessories ko, hikaw na dangling at kuwintas na diyamante.

Mitzy: Ang sa akin, itim na bistida.  At may pulseras na pilak at pitaka.

Allan: Tama na yan. Balik trabaho na. Kapag hinanap ako ni boss, pakisabi kinuha ko lang ang pina-dry clean kong Pitoy Moreno Barong.

Romina: Ibang klase ka rin Allan!